Chapter 32

132 1 0
                                    

Thirty-Two: Aftermath with Jeno.


~Shelle's POV


**

"I swear to my life that I will make you suffer. Along with your sorry excuse of a brother. You will regret everything you've done to me. EVERYTHING!"

**


Nagising ako bigla at agad akong napaupo. Pinunasan ko yung pawis ko at saka ko nilibot yung tingin ko sa kwarto. Ate Star's sleeping and Kuya's not here. Hindi ko man lang pala napansin na nakatulog na ako.


Tumayo na ako mula sa higaan at saka ko 'to inayos. Dumiretso ako sa banyo after at saka ako naligo at nag-ayos. Time check: 10 AM. Wow... I slept a lot. But I feel much better than the last time I woke up. This time, I'm ready.


Lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko na ginising si Ate Star, alam kong she stayed up all night to make sure I was okay. I owe her this much. Ayoko namang mastress siya the whole time we're here and it's not that much time.


Bumaba na ako mula sa right wing at naabutan ko si Jeno na nakatambay sa sofa sa central sitting room. Lumapit ako sa kanya at saka ako umupo sa tabi niya. Ikinagulat niya 'to at nang makita niyang ako yung katabi niya, agad niya akong niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko naman. Di ko inexpect yung ganitong reaksyon eh. Niyakap ko siya pabalik pero kumalas din ako sa yakap nung di na ako makahinga sa higpit ng yakap niya.


"Pasensya na. Ikaw naman kasi! Nag-alala ako sa 'yo eh! Pero buti naman okay ka na. Alam ko namang mahirap pa rin sa 'yo yung nangyari kagabi. It's hard on all of us." Napatango na lang ako.


I'm glad he understood my circumstances. 'Yon yung pinakakailangan ko ngayon.


He let go of the topic and we just proceeded to talk about things we wanted to do sa anim na araw na natitira sa bakasyon namin dito. Ang dami naming napag-usapan pero hindi ko inexpect yung sunod niyang idea.


"Okay lang naman kahit ano pa 'yang gawin natin o saan pang lupalop ng isla mo tayo magpunta eh. Basta kasama kita, aba! Wala na akong hihilingin pa!" Nakangiti niyang sabi.


Napaiwas na lang ako ng tingin kasi naramdaman kong nag-init yung pisngi ko. Siya na magaling magpakilig.


"Tara, Shelle! Mag-ikot-ikot muna tayo habang tulog pa sila. Mga pagod din yung mga 'yon kaya matagal-tagal pa 'yan magigising." Sabay kindat niya. Hinawakan niya yung kamay ko at saka kami tumakbo palabas ng bahay hanggang sa nakarating kami sa hardin.


"Ang ganda talaga ng garden niyo. Pero mas maganda yung katabi ko." Sabay kindat na naman. Edi ako na naman kinikilig.


Naglibot-libot kami sa bahay bago namin naisipang dumiretso sa open basketball court na nasa loob din ng villa namin. Pinapalibutan kasi ng 13 feet wall yung buong villa.


"Tara naaaaa!" Lambing sa akin ni Jeno.


Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon