Three: Jeno, the Heart-breaker.
~Shelle's POV
"Hi, Shelle." Ayaw ko pa sana siyang makita, ba't siya nandito ngayon? Di naman ako pusong bato para agad-agarang maka-move on sa nangyari sa prom kagabi. Alam kong wala naman akong basehan na hinalikan nga niya yung babae pero masakit pa rin eh. Sarreh, mahirap maging selosa.
Di ko siya sinagot, kahit nga tingin di ko maibigay sa kanya e. Pakiramdam ko kasi pag tiningnan ko siya ngayon at kinausap, baka di ko na mamalayang naiyak na ako. Huhu. Ang arte, huhu. Hindi man masyadong halata na nasasakatan ako kasi self-proclaimed optimist ako pero deep inside, as in the core of my heart (hindi soul, heart talaga), sobra akong nasasaktan.
"Who're you?" Narinig kong tinanong ni Josh kay Jeno. Buti pala nandito si Mr. Gwapo.
"Sino ka ba?" Paglipat niya ng tanong kay Joshua. Okay, hon, you just got asked and you're throwing the question back at Joshua? No fair play, Jeno babes!
"Joshua Redrain. So if you've got nothing more to say, we're leaving. We have a whole day to enjoy without the likes of you," shems talaga yung English ni Josh. Kahit pa dinadaldal niya ako sa kotse niya kanina, di pa rin talaga ako maka-get over sa accent niya. Accents are hart.
"Jeno." Tiningnan lang siya from head to toe ni Joshua. "Don't bother saying the last name, I'm not interested." At saka ako hinila ni Josh palayo kay Jeno. Buti na nga lang ginawa niya 'yon e. Kasi pag nagtagal pa ako doon, baka di ko na alam kung kanino ba dapat ako kumakampi. Joke.
"He's the reason why you were crying last night, right?" Ay, nakakaloka. Kung kailan ako nakahinga ng maluwag, kailan niya binalik yung tensyon. Saya saya!
"I'm sorry for bringing it up. We came here to have fun so let's just enjoy, okay? Forgot I ever brought it up so show me a smile," nginitian ko siya pero agad ko ring inalis at saka ko siya hinampas sa braso. "Ikaw kasi, pinaalala mo pa." At saka ako nagwalkout. Trip ko lang magdrama.
"Wait!" May biglang humila sa akin eh na-outbalance ako pero agad naman akong nasalo ni Josh... and in the form of a hug. Hihi. His cologne caught me off guard though, it's entrancing.
"Bitawan mo nga ako! Baka—" di ko pa natatapos yung sasabihin ko nang bitawan na niya ako. "Whatever you say, princess." Isa pa talaga sa 'princess' niya nako. Kung may disease lang na laging kinikilig eh baka kanina pa ako naadmit sa ospital.
"Sooo magshashopping ako, sama ka?" Nginisian ko siya kasi this is obviously girl stuff and I kind of know what he's going to say. "Yeah, I guess." HA?
"Seryoso ka?" Dapat aayaw siya eh. Ganun dapat, diba? Sa mga nabasa ko na libro at e-books, umaayaw mostly yung mga lalaki eh. "I don't want that filthy guy coming near you so I'm gonna be your bodyguard for the day." Maka-react ah? Boyfriend lang ang peg? Pero on second thought, okay lang din. Single naman ako and ready to mingle. Hohoho!
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...