Thirty-Four: Tied and Trussed.
~Shelle's POV
Ugh... ang sakit ng ulo ko. Wait... what the hell? Ba't di ako makapagsalita? Ano yung nakatakip sa bibig ko?! Wait, wait, wait, wala akong makita... piniringan ba ako?!
Ba't ba ako nakapiring? Ba't nakatakip yung bunganga ko--what the hell?! Pati yung kamay ko at mga paa ko nakatali?! Wait... I remember... nakidnap ako... wait! Si Jeno? Paano si Jeno? Nakatakas siya as far as I remember bago ako nakasinghot ng hindi pamilyar na amoy. That's good. At least masasabi niya kayna Kuya kung anong nangyari sa akin.
Bigla na lang natanggal yung nakalagay sa bibig ko kaya hindi na ako nagpakipot pa at agad na nagsalita. Ang hoarse ng boses ko. Ang sakit sa lalamunan. Tsk.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Nakarinig lang ako ng buntong-hininga.
"Kalma lang, Shelle. Nagmamadali ka naman eh." Boses ng isang babae. Babae nagpakidnap sa akin? Ah... walang duda. Insecure na naman 'to at di kineri yung power ng ganda ko. Hayyy, ang problema kasi sa mga babae, hindi nila kayang makuntento sa kung anong meron sila, sa kung anong bigay sa kanila. Tsk, tsk, tsk.
"If it lightens the mood, I have to admit, you're not really the one I'm after. So don't worry, you're not in your death bed." Kung nakikita niya lang yung expression ko through this blindfold, baka ito na nga talaga ang maging death bed ko.
"But this isn't the right time to tell you why you're here. I just have to show them what my purpose is. Nothing is going to stop me from ruining their lives." Hmmm... para siyang kontrabida sa mga action or superhero movies. Yung tipong strong front ang pinapakita pero mas malambot pa ang puso sa mga... malalambot ang puso. Yung tipong dramatic yung past tapos revenge mode on lang.
"Awwww! Look at that! Your pretty little guy friend's struggling to get out of those ropes! But he won't be able to do anything to save you, that's for sure." Wait... guy friend? GUY FRIEND?!
OH MY GILAGID! NAKIDNAP DIN SI JENO?! Okay, kung kanina kampante ako, hindi na ngayon. Akala ko nakatakas siya! Pero nahuli rin pala siya! Paano na malalaman nila Kuya kung nasaan kami kung nawala na lang kami sa corner ng ganun-ganun lang? This just got harder than I thought.
Naramdaman ko yung pag-loosen nung piring sa akin at saka 'to dahan-dahang nalaglag mula sa mata ko. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.
"JENO! JENOOOO!!!" Sigaw ko. He was bleeding! Tinorture ba siya?! How could they?! Wala siyang ginagawang masama! Kasalanan ba namin kung natural na gusto naming tumakas dito?!
"A-Ano nga!? Paulit-ulit e-eh!" Umasta siyang naiinis kasi paulit-ulit kong sinigaw yung pangalan niya pero alam ko na ginawa niya lang 'yon para hindi ako mag-alala pero mas lalo lang akong nag-aalala. Ang dami niyang sugat!
"WALANG HIYA KANG LALAKI KA!! AKALA KO NAKATAKAS KA!! KAMPANTE NA AKO EH! SHEMAY KA!!!!" Hindi ko na napigilan yung iyak ko kahit na ganun ako magsalita. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...