Chapter 49

94 1 0
                                    

Chapter 49. More problems.

~Brent's POV

Patay. Narinig pala ni Drake yung pinag-usapan namin ni Shelle, hindi lang pala siya, pati din si Harrison. Mukhang magdadadakdak ‘tong si Drake ah?

"Ka-Kasi Kuya..." Hindi mapakaling simula ni Shelle. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya. Hinihintay namin yung rason niya. "Gusto kong pagbayarin yung taong gumawa nito sa akin. Yung mga gustong pumatay sa akin. Gusto ko silang panagutin. Hindi sa kamay ng batas kung hindi sa kamay ko." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa bintana niya.

Nakangiti lang ako. Hindi naman nawawala yung ngiti ko kapag nandiyan si Shelle e. Magsasalita na sana si Drake nang biglang napahawak sa ulo si Shelle. "ACK! ANG SAKIT NG ULO KO!" Sigaw niya.

“Shelle! Anong nangyayari?!” Nagpa-panic na react ni Drake. Binuhat ko agad siya at tumakbo kami pababa ng hagdan at palabas ng bahay. "Dadalhin ka namin sa ospital, Shelle! Kaya mo 'yan!" Sigaw ko habang sinasakay ko siya sa kotse ni Drake.

Pinaharurot ni Drake yung kotse sa ospital na pag-aari ng pamilya ko dahil ito ang pinakamalapit na ospital sa bahay nila. Dinala agad siya ng mga nurses sa emergency room at naiwan kami sa waiting room.

"What could've happened? I'm worried," hindi mapakaling sabi ni Harrison habang naglalakad siya ng paikot-ikot sa waiting room. "Lahat naman tayo dito nag-aalala para sa kanya e," sagot ko naman. Tinanguan niya na lang ako at umupo sa isang bakanteng upuan.

"Papayagan mo ba siya?" Tanong ko kay Drake. Kami lang naman yung tao sa waiting room kasi private yung kinuha namin para makapag-usap naman kami tungkol sa mga confidential na bagay.

Hindi muna siya sumagot at tinitigan lang yung lapag. "Honestly, nate-tempt ako. Kaso paano kung may mangyari sa kanya? Tingnan mo 'yan. Bigla na lang sumakit yung ulo niya. Paano kapag nangyari 'yan dahil sa sobrang stress niya? Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya kapag pinayagan ko siyang tumulong." Paliwanag ni Drake.

Nagkatinginan na lang kami ni Harrison. Tama siya. Paano kapag bigla na lang itong mangyari kapag na-stress siya sa kagustuhan niyang mapabagsak sila Jace? At saka, hindi pa niya alam kung paano makipaglaban. Kung paano lumaban para sa sarili niya. Nakakatakot lang kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya.

Pero hindi namin maipagkakaila na malaki ang pwede niyang maitulong sa amin. Matalino siyang bata, marami siyang alam, hindi lang niya alam na alam niya pala yung mga bagay na ‘yon. Yung safety lang naman niya yung iniisip namin e.

Maya-maya pa'y dumating na yung doktor at mukhang hindi maganda ang ibabalita niya sa amin dahil sa itsura niya. "Doc, yung kapatid ko?" Tanong ni Drake. Nagkatinginan na lang kami ni Harrison sa kaba at takot sa pwede naming marinig.

"The name is Doctor Rodriguez; do you remember me, Mister Fuentabella?" Napatingin kami ni Harrison kay Drake na nakakunot yung noo.

"Doctor Rodriguez... Doctor Rodriguez?!" Kilala ba niya ito? As far as I know, bagong hire lang si Dr. Rodriguez pero noon pa siya doktor.

"Yes. I was the one who you consulted about Shelle, right? I was the one who made her forget," siya 'yon?!

"H-How's Shelle?" Halatang-halata yung takot ni Drake sa pwedeng sabihin ni Dr. Rodriguez pero hindi siya nag-iisa.

"I believe I told you it was temporary," tumango-tango si Drake bilang sagot. "You see, her memories are returning." Panimula niya.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon