Chapter 10

319 5 3
                                    

 Ten: Drake, Starelle... and the Threats.



~Shelle's POV


"Are you really sure you're okay?" Lumapit sa akin si Joshua. Scratch that, hindi lang 'lapit' pero 'sobrang lapit'. Nararamdaman ko yung paghinga niya habang tinititigan niya ako. Napaiwas ako ng tingin, nakakaano naman kasi eh. Ang lapit-lapit naman ng mukha niya. Ang hirap tuloy tumingin sa kanya.


Hinawakan ko siya sa dibdib kaya medyo lumayo yung mukha niya. Salamat naman sa Diyos at lumayo rin siya ng kaunti. Pero bigla na lang siyang humarap ulit sa akin at saka niya ako kinorner sa dulo ng sofa. Takte, di ko man lang napansin na nasa dulo na pala ako ng sofa. Huhuhu.


Palapit siya nang palapit sa akin hanggang sa nagdikit yung noo namin. "Potek naman! Lumayo ka nga!" Lumayo naman agad siya. Aba'y marunong palang sumunod 'to. Bigla-bigla na lang kasing umaaksyon eh. Ang hirap intindihin. Di ko alam kung anong meron sa utak ng isang 'to. Masyadong maano sa skinship.


"At natawa ka pa talaga ah?" Tinitigan ko siya ng masama. Nag-peace sign lang siya at saka niya pinatong yung kamay niya sa backrest nung sofa. Umayos na rin ako ng upo at saka ko tinitigan yung TV.


"So... what do we do now?" Oo nga naman. Di naman pwedeng tumunganga lang kami dito. Tiningnan ko yung wall clock. 6 PM pa lang. Ang dami pang oras.


"AH! Movie marathon? Game?" Di na siya umangal kaya dumiretso ako sa kusina para kunin yung raw popcorn na ilalagay sa popcorn machine mamaya. Pumunta kami sa theater room at saka ko nilagay yung raw popcorn sa popcorn machine para fresh yung snacks namin. Kumuha na rin kami ng beverages namin sa ref doon. Kumpleto eh. Hehe.


"What are we watching first?" Umupo siya sa tabi ko at saka tinaas yung para sa paanan sa baba kaya parang nakahiga siya.


Nasa pangatlong column kami out of seven so nasa gitna kami. Since malaki yung screen - di naman gaano katulad nung mga nasa cinema, mga half nun or smaller - kinailangang medyo nakatilt yung upuan namin para di mangalay yung leeg namin kaya parang nakahiga kami which is relaxing by the way. Baka makatulog ako nito.


"Ummm... Grave Encounters 2? Napanood mo na ba 'yon?" Umiling agad siya. Oh, someone's not a movie buff. We're the same, though. I only come down here when I'm accompanied. Mostly sa laptop na lang ako nanonood... and it's not that often lalo na pag di ako bored.


"I haven't yet. I'm not that big of a fan of movies," obvious enough, Mr. Redrain. Pinlay ko na yung movie kaya di na siya nagsalita pa.


Nakakagulat nga eh. Tumataas yung mga balahibo ko t'as napapasabi ako minsan ng masasamang salita sa gulat. Pero madalas puro 'oh my god' nalabas sa bibig ko. Nakakaloka naman kasi eh.


~Drake's POV


"PERFECT! I love it! That expression! Stay! Keep it like that, Drake!" Napabuntong-hininga na lang ako. Lahat naman ng gawin kong expression 'yon yung kumento ng baklang photographer na 'yan eh.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon