Chapter 56

49 1 0
                                    

Chapter 56. Escape.

 

 

~Brent's POV

 

 

"Kumusta na kalagayan ni Wiz?" Pasalampak na umupo si Rain sa tabi ko. Inagaw niya yung iniinom kong tubig at saka uminom dito. Tingnan mo 'tong gago na 'to. Tama ba namang gawain 'yon? Hindi pa ba pumapasok sa isip niya na mas matanda ako sa kanya?

 

 

"Nagpatawag na ng doktor si Drake," tumango-tango siya at saka tinapon sa akin yung walang laman na bote ng tubig. "Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya ng nakataas ang kilay.

 

 

"Itapon mo," puta. 'Wag niyo 'kong pigilan at uupakan ko 'tong gago na 'to. Tsk. Hindi ko lang talaga siya sinapak dahil hindi siya yung prioridad ko ngayon. Ayaw ko namang magsimula ng gulo sa gitna ng mas malaking gulo.

 

 

Binatukan ko na lang siya at saka ako tumayo at tinapon yung bote sa may kusina. Buti na lang at mabait ako kung hindi, nako. Nakatikim na ng sapak ‘yang bata na ‘yan. Sakto namang kumukulo na yung adobong niluto ko at tapos na yung ginawa kong lasagna kanina. Nakapagsaing na din ng kanin si Ulan kanina. Oo, marunong akong magluto. I live alone so I know how to cook and do household chores. Maids or butlers aren't my thing. Bakit ko pa kailangang magsayang ng pera kung kaya ko namang gawin? Diba?

 

 

Hinain ko na ito sa coffee table sa sitting room. "Kain na mga katrabaho! Kain na!" Sigaw ko. Noon kasi puro yung mga babae (mga kaibigan ni Shelle o yung girlfriend ni Drake) yung nagluluto para sa 'min kaso wala sila ngayon kaya ako na lang nagluto. May mga kanya-kanya din naman silang buhay na kailangang atupagin.

 

 

Nagsitayuan na sila at saka lumapit sa coffee table at saka sila kumuha ng makakain nila. Kanya-kanyang serving na lang since mga busy kami sa kanya-kanya naming mga roles sa plano.

 

 

Nang makuha ko na yung pagkain ko, umupo na ako sa upuan ko kanina. Tahimik lang kami habang nakain at puro tunog lang ng paggalaw ng mouse at keyboard yung rinig namin dahil sa computer group namin (Ethan at Harry).

 

 

"Kumusta na 'yang computer mo?" Tanong ko kay Ethan habang nanguya. Ang sarap ko talagang magluto. Kaya ang daming nagkakagusto sa akin na babae e. I'm totally the full package. WAHAHA!

 

 

"I know what you're thinking about and don't even say it! You're so full of yourself, ya know?" Singit ni Harrison. Kaya nga ayaw ko sa lalaking 'yan e. Upakan ko kaya siya? Kalama lang, Brent. Kapag ginawa mo 'yon at nalaman ni Shelle, ikaw na naman ang mapapagalitan. Tsk. Kung hindi lang talaga ako mabait, hindi talaga ako magpipigil.

 

 

"Anyway, yung computer?" Paglipat ko ng atensyon kay Ethan na ngayon ay kamot na ng kamot ng ulo.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon