Thirteen: Jeno's Moves.
~Jeno's POV
Humuyam ako at saka ko kinusot-kusot ko yung mata ko. Tiningnan ko yung wall clock sa harapan ng higaan ko. "FUCK!" Napatayo agad ako-sandali nga. Paano ako napunta sa kwarto ko eh ang alam ko sa bar ako nagpunta kanina?
Agh, shit. Ang sakit ng ulo ko. Napaupo ako sa higaan ko. Tangina, kahit sobrang sakit pa ng ulo ko, kailangan ko na talagang maligo at may kailangan pa akong puntahan. Pinilit kong tumayo sa kama at naligo ako't nagbihis na. Pinagpala naman ako ng Diyos kasi nabawasan din yung sakit matapos kong maligo.
Kinuha ko na yung susi ng bahay at sasakyan at yung wallet ko. Napasulyap ulit ako sa orasan, late na talago ako! Ba't ko pa ba kasi tinititigan yung orasan? Wtf! Pero takte naman, ba't pa kasi ako naglasing?! May dinner pa pala kami nila Shelle!
Pinaharurot ko yung kotse ko sa resto namin at tumakbo agad ako papunta sa loob. Whoa... look at her. She's breathtakingly beautiful.
I see her almost everyday but every time I do, she seems to get much more beautiful than before. The way she smiles, the way she looks at people, even the ways he breathes is beautiful.
Naglakad ako palapit sa kanila at saka ako yumuko. "Sorry for the tardiness. Tito, tita, good evening. Dad, welcome back. Shelle, you look beautiful." Ngumiti siya ng malawak. Agh, why you do this to me? I'm falling in love all over again. "May I sit next to you?" Please say yes. Tumango siya kaya bigla akong napangiti ng malawak. Ang hirap talaga pag nasa harap mo yung taong nagpapangiti sa 'yo oh. Wala siyang ginagawa pero napapangiti ka na niya na parang tanga.
Nagkwentuhan lang yung mga magulang namin at mukhang hindi kasama si Kuya Drake kaya naka-damoves ako. Nakasandal kasi siya sa backrest nung upuan eh nakapatong yung kamay ko dun kaya parang nakaakbay ako sa kanya. Wala namang angal yung parents namin saka busy sila sa kwentuhan nila.
Ang bilis nga ng oras eh kasi nagulat na lang ako nang matapos na silang kumain at magkwentuhan at nagbalak na na umalis. Napasulyap tuloy ako sa wristwatch ko, kaya naman pala. Maghahating-gabi na pala. Tingnan mo nga naman oh. Ang bilis ng oras kapag magkasama kami.
"BYE, JENO!" Natatawa niyang paalam. Kanina pa kasi ako nagpapatawa sa kanya kaya ayan, di pa rin siya makaget over sa kwentuhan namin kanina. "Nakalimutan mo ata?" Natawa siya. "Jeno babes pala dapat!" Natawa lang ako. Tingnan mo nga naman oh. Naglevel up na yung comfort zone namin at babes na tawagan namin. Medyo corny man mas maganda pa rin yung meron kaysa sa wala. Think positive! Iimprove din yung tawagan namin.
"'Wag ka munang magpaalam! Magkikita pa tayo!" Tawa ko. "Joke lang, ingat ka!" Kumaway-kaway ako. Takte, masama bang kiligin ang mga lalaki kasi tangina, kinikilig ako eh. Tumawa siya. "Oo na po! Mauna na ako! Ingat ka rin!" Naglakad na siya palayo pero may nakalimutan akong tanungin.
"SHELLE!" Nilingon niya ako nang nakangiti. Nakakainlab lang yung ngiti niya. Ganda eh. Aung! "Ano 'yooon?" Ang cute lang. Agh, tangina! Yung siya lang yung nakikita ko at wala nang iba. Kailangan ko nang magpaadmit sa ospital eh, may love sickness ata ako. Ay tae, ang corny ko, kaiyak!

BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Roman pour Adolescents[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...