Sixteen: A Trip to Bella Island.
~Shelle's POV
"Waaaaah!" Pasalampak akong humiga sa higaan. "Sarap kasama ni Jenooo!" Ang saya-saya ko pero pasukan na pala next week. Ang bilis talaga ng araw. Parang nung isang araw prom night lang t'as next week pasukan na agad. Palibhasa kasi one month lang yung sem-break namin eh. Pero okay lang! May winter vacay naman!
"Ano yung narinig ko?" Napaupo ako at saka ko binaling yung tingin ko sa paanan nung higaan ko kasi sa harap nun is yung archway papunta sa mini living room ko.
Whoa. Paano nakapasok si Kuya? Ni-lock ko yung pinto ah? "Kuya, paano—"
"Paano ako nakapasok? May susi ako ng kwarto mo." -Kuya
"Paano ka nagka—"
"Paano ako nagkaroon ng susi sa kwarto mo? Pinaduplicate ko for emergency purposes." -Kuya
"Bakit hindi si—" hindi na naman niya ako pinatapos.
"Bakit hindi sila kumuha ng permiso sa 'yo? Kasi di naman na kailangan. Di naman kami magnanakaw o rapist eh." -Kuya
"Ang sa—" hindi na naman!
"Ang sama ko—" -Kuya
"KUYA! Patapusin mo naman ako magsalita! Nababasa mo ba utak ko at alam mo lahat ng sasabihin ko?!" Natawa lang siya at saka umupo sa couch ko at pinaikot yung key ring sa hintuturo niya.
"Sarreh. Pero ano yung narinig ko? Yung tungkol sa Jeno mo?" Tinitigan niya ako kaya nataranta ako ng mga one minute pero naalala kong no secrets policy pala kami ni Kuya at kahit pa piliin kong itago sa kanya yung nangyari, malalaman at malalaman pa rin niya kaya ako na lang magsasabi kay sa malaman pa niya sa iba.
Pero yung ang protective ng kuya ko kahit alam ko na kung paano alagaan yung sarili ko. I mean I know different martial arts. Pati arnis alam ko! Hoho! Proud po si atih.
"Nagbonding kasi kami t'as super sarap niyang kasama. As in! Feeling ko tuloy marereciprocate na yung feelings ko! Super sweet niya! GAAAAH!" Kinikilig kong sabi habang nakalagay pa yung mga kamay ko sa magkabilang pisngi ko at inaalala ko yung mga nangyari.
"Ohhh. Ganun ba? Buti naman. Akala ko kung anong ginawa niyo eh," loko-loko rin si Kuya eh. Ano namang gagawin namin? Saka super bait kaya ni Jeno. Dream guy talaga pramis t'as kanina nung nauna siyang maglakad sa akin, kitang-kita ko yung broad shoulders niya t'as napatili pa ako bigla. Nakakahiya nga eh! Pero fudge kasi ang hot nung likod niya! My gosh!
"Ano ka ba, kuya! Pero anyway, magbibihis lang ako ah!" Naglakad ako papuntang walk-in closet ko at saka ko sinara yung pinto. Yung gabi na t'as nag-dinner kami sa labas ni Jeno t'as nag-stargazing pa kami t'as gaaaaah! So much feels! Jeno feels! Mga 11:30 PM na nga ako nakauwi ata eh.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...