Chapter 62. Wedding Day. [EPILOGUE]
~Shelle's POV
Ito na yung araw na magpapakasal ako sa taong hindi ko naman gusto. So cliché but what can I do? Ito yung napagkasunduan e. Sa ayaw ko man o sa gusto, wala akong magagawa, magpapakasal at magpapakasal pa rin ako kay Jeno. We failed to pay the right amount of money; this is the choice that's left and I can’t do anything but choose it.
I'm currently being dolled up by various famous make-up artists. Ayoko nga e, gusto ko ako yung magme-make-up sa sarili ko pero wala e, Jeno's mother insisted. She's always so lively and kind but she became too serious about planning the wedding and making it perfect that a simple garden wedding became a grand wedding in a very grand church.
Wala na kaming nagawa since siya naman yung magbabayad. Go with the flow, ika nga.
Secret ko lang dapat 'to e pero ibabahagi ko na kasi baka hindi ko na ‘to masabi matapos akong ikasal kay Jeno.
Miss na miss na miss na miss ko na si Joshua. Sa sobrang miss ko sa kanya, umiyak ako ng umiyak kahapon. Ayaw kong magpakasal kay Jeno... si Joshua lang ang gusto kong pakasalan.
Ito na naman tayo, naiiyak na naman ako. Kung bakit ba naman kasi niya ako iniwan… Bakit ba kasi siya umalis? Bakit wala man lang siyang sinabi kung saan siya pumunta o kung anong gagawin niya sa America? Bakit hindi niya hinintay na gumising ako? Nakakaasar naman siya e. Kasi kahit wala akong balita sa kanya... siya pa rin yung mahal ko.
Siya nga yung nagbigay ng todo-todong sakit sa akin, siya nga yung nagpaiyak sa akin ng walang tigil pero hindi ko maipagkakaila na siya din yung taong sobrang nagpasaya sa akin.
Kung pwede lang na hindi ako sumulpot sa kasal na ito ginawa ko na... pero wala e. Wala akong magawa kasi sa totoo lang, natatakot ako.
"You look absolutely stunning, Xrizshelle!" Sabi nung isang British na lalaking make-up artist. Nginitian ko lang siya, at last... tapos na rin akong lagyan ng make-up. Halos isang oras na rin akong nakaupo dito sa upuan e habang pinupudpuran nila ako ng make-up.
Grabe nga e, sa isang oras na ‘yon, tinodo talaga nila. Mukha akong clown e… sa pananaw ko. Hindi naman kasi ako yung tipong sobrang kapal ng make-up, in fact, ayaw ko nga ng ganun e. Nakakadiri.
Inalalayan ako ni Mavi para suotin yung wedding dress ko. Siya yung bridesmaid e tapos si Charm yung maid of honor. Hindi makakapunta si Vanilla e. Sobrang busy ng babaeng 'yon. Sa sobrang busy niya, sariling wedding ng best friend niya, hindi siya makapunta. Mauupakan ko talaga 'yon kapag nagkita kami. Tsk.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...