Twenty-Four point Five: BBQ at Fuentabella's Continuation.
~Rain's POV
Nasaan na ba yung dalawang 'yon? Sampung minuto na mula nung narinig kong inutusan ni Ate Starelle si Shelle na tawagin si Joshua ah? Nag-aalala na ako.
Tumaas ako at dumiretso sa guest room kung saan daw nagpapahinga si Joshua at kung saan ko dapat makikita si Shelle... what... bakit siya dahan-dahang lumalabas sa pintuan ng kwarto ni Joshua? Ang suspicious niya tuloy tingnan.
Lumapit ako sa kanya at saka ko siya tinapik sa balikat na ikinagulat niya. Titili na sana siya pero agad kong tinakpan yung bunganga niya at saka ko siya hinila papasok sa kwarto niya--which was thankfully near Joshua's room.
"Rain! Muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa mo!" Sabay hawak niya sa dibdib niya at humihingal pa.
"Ano bang ginawa mo sa loob ng kwarto ni Joshua at ganun ka lumabas? Nag-eavesdrop ka 'no?" Umiwas siya ng tingin.
"Anong sinasabi mo?" Napailing ako. Denial pa 'tong batang 'to eh. "'Wag mo nang itago! Huling-huli ka na, lumulusot ka pa!" Sumandal ako sa pintuan niya.
Bumuntong-hininga lang siya. "Nacurious lang naman ako eh." Depensa niya. Hindi na natuto 'tong isang 'to eh. Akala niya maitatago niya sa akin?
Kilalang-kilala ko kaya siya kung paano siya magsinungaling. Ang tagal ko na rin siyang kilala, knowing if she's lying is a piece of cake. Hindi rin kasi siya magaling magsinungaling, that went away when her memories were lost.
"Curiosity kills the cat, diba?" Umiiling-iling kong sabi.
"Ewan ko sa 'yo, Rain. Anyway, may gusto nga pala akong itanong sa 'yo." Kumunot yung noo ko. Wait... fuck... 'wag mong sabihing...
"Noon pa ba kayo magkakilala ni Joshua?" Patay. Tama nga ang hinala ko. Nakakahalata na yung prinsesa.
Kuya Drake told me about this and I didn't think it was true. She wants to learn the truth that we've been hiding from her and she's starting small... but that's still something. Narinig ko rin na dahan-dahang bumabalik yung mga memorya niya pero as far as we know, he's still a blurry image which means hindi pa niya alam kung sino yung nakikita niya kaya pwede pa akong makalusot.
"Hindi. Ba't mo natanong?" Pinagpapawisan ako, shit. Buti na lang at di niya nababasa yung isip ko!
"Oh? Okay..." bumuntong-hininga siya. She really wants to know. That, itself, is obvious.
"Rain... kailan pa ba tayo magkakilala?" Kumunot yung noo ko. "Noon pa, bakit mo natanong?"
Tiningnan niya ako ng matagal. "Kailan yung noon pa?" Kinakabahan ako sa way ng pananalita niya. Para siyang detective kung magtanong eh. Yung bang lahat ng sasabihin ko kaya niyang baliktarin.

BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...