Twenty-Three: Characters' Arrivals.
~Shelle's POV
Lumipas ang kalahating oras na nagkkwentuhan lang kami ni Jeno nang sumagi sa isip ko na hinihintay ako ni Josh sa back garden kaya nagpaalam na ako kay Jeno.
Pagkarating ko doon, on impulse akong nagtago sa pader ng building. Hindi ko alam bakit, baka natanggap ko na yung nararamdaman ko para kay Joshua o baka dahil akala ko ako lang ang makakakita ng mga tawa at ngiti niya na wala nang ibang babaeng makakakita nun maliban sa akin, pero ayoko yung pakiramdam. Ang bigat sa dibdib. Naiinis ako.
Labag man sa kalooban ko eh itinulak ko sa kadulo-dulohan ng utak ko yung naramdaman ko. Umalis na lang ako doon at saka ako dumiretso sa classroom. Tutunog naman na yung bell kaya sakto lang yung dating ko.
Bumalik ako sa upuan ko at saka ko binaba yung bouquet of flowers na binigay sa akin ni Jeno. Binuksan ko yung iPod ko at saka ko sinaksak sa tenga ko yung earphones ko. May kalahating oras pa naman ako bago tumunog yung bell.
[ Now playing: Wanted by Hunter Hayes ]
Nakisabay ako doon sa kanta, hindi ko naman lalakasan saka maingay na sa classroom. Trip ko yung kanta eh, parang konektado yung nararamdaman ko sa lyrics niya.
"You know I'd fall apart without you. I don't know how you do what you do.~" Nakaka-in love talaga boses ni Hunter Hayes. Underrated nga siya eh.
"Cause everything that don't make sense about me, makes sense when I'm with you.~" Underrated din ng music niya. Ang gaganda pa naman ng meaning ng lyrics niya. Pero hindi na masyadong nabibigyan ng light yung mga kantang may magagandang lyrics eh.
"Like everything that's green girl, I need you. But it's more than one and one makes two. Put aside the math and logic of it, gotta know you're wanted, too.~" Tama ba 'tong kinakanta ko? Baka mamaya mali-mali na pala yung mga sinasabi ko. Pero okay lang, as if namang naririnig ako.
"Cause I wanna wrap you up, wanna kiss your lips, I... wanna make you feel wanted. And I wanna call you mine, wanna hold your hand forever and never let you forget it. Yeah, I wanna make you feel wanted.~" Natuwa ako kasi nasasabayan ko na yung chorus.
Madalas ko kasi 'tong pinapakinggan lalo na kapag wala akong ginagawa. Nakarinig ako ng palakpakan. Luh? Sa dami ng boses ko na 'tong pinakinggan, ngayon lang ako nakarinig ng palakpakan.
Tinaas ko yung tingin ko kasi nakatungo ako at pinagtitripan ko yung notebook ko. Laking gulat ko nang makita kong ako pala yung pinapalakpakan ng mga kaklase ko. Oh my god... 'wag mong sabihing napalakas yung pagkanta ko? Omfg. Ang pangit pa naman ng boses ko!
Pinause ko muna yung kanta. "Uy, guys. Kumusta eardrums niyo? Kunyari walang nangyari ah? Mahal niyo naman ako eh." Nagsitawanan sila.
"How many months have passed since I last heard you sing?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko at agad akong napatili nang makita si Rain na nakangiti sa akin. Tumakbo ako palapit sa kanya at saka ko siya niyakap ng mahigpit. "RAIIIIN!!"

BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Roman pour Adolescents[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...