Chapter 20

201 2 2
                                    

Twenty: Classes


~Jeno's POV 


"Puruhan na kaya natin 'yang Joshua na 'yan?" Naasar na sabi ni Grei. Napabuntong-hininga ako. 


"Malala ka na masyado, brad. Magtapat ka na kaya?" Napatingin ako kay Brick. Sa lahat ba naman ng pwede niyang i-suggest, 'yan pa talaga? Parang hindi ko naman naisip 'yan. Ang dami lang talagang nakasalalay pag ginawa ko 'yan eh. Mahirap na. Nagiging malapit na sa akin ang loob ni Shelle, baka bigla na lang mawala 'yon. 


Binatukan ni Hans si Brick kaya natawa ako. "Tanga! Mag-isip-isip ka nga! Kapag ginawa niya 'yon, basted agad siya! Mukhang may nabubuo na dun sa dalawa eh! Bulag ka ba?" Makabasted naman 'tong ugok na 'to. 


Si Hans naman ngayon ang nabatukan ni Eli. "Kung ikaw kaya muna ang mag-isip diyan? Akala mo kung sinong marunong kung makasabi ng tanga eh. Alam mo ba yung nararamdaman ni Shelle para masabing basted agad si Jeno? Close kayo, close kayo? Tanga!" Napakamot na lang ng ulo si Hansel at mukhang natameme sa sinabi ni Eli. Si Eli kasi yung pinakamatanda sa amin at pinakamautak. 


"Pasukan na next week, ba't di mo simulang ligawan?" Gulat akong napalingon kay Ash. Madalang kasing magsalita 'yan, madalas puro tawa lang o kung hindi'y tahimik lang siyang nanonood sa amin. Parehas sila ni Eli eh kaso mas tahimik 'to at mas matalas. Madalas tama kasi mga hinala niya. 


Nagkatinginan yung mga katropa ko kaya napabuntong-hininga ako. Alam ko na susunod na mangyayari. Wala na namang atrasan 'to. Paano ako makakatakas eh lahat sila sumang-ayon? Gagawin kasi nila ang lahat para lang sumang-ayon din ako. Bwiset naman, Ashton. Ngayon ka pa talaga nagsalita eh hindi ka naman hinihindian ng mga 'to. Takte. 


~Shelle's POV 


Bakit ang gulo? Ang kalat. Sino yung nagbukas ng ilaw eh kaming dalawa lang daw ang nandito at saka yung DJ na nasa may pintuan. Wala naman doon yung ilaw kundi nasa may kusina. Chineck na ni Joshua doon at wala namang tao, nakalock naman yung pinto. Sino ang pwedeng gumawa nito?


"What the hell happened here?!" Alam kong maliban sa gulat eh sobrang galit si Joshua ngayon. No one expected this. Nilapitan ko siya, nakaupo lang siya sa upuan niya ngayon. "Kumalma ka muna. Walang magagawa yung galit at pagsisisigaw mo." Napabuntong-hininga lang siya at saka niya ginulo yung buhok niya. 


"Who would do this?" Halatang nalulungkot din siya kasi nag-effort din siya dito eh. Sino ba naman kasi ang gagawa nito? 


"Wala ka bang nakaaway? Wala ka bang may alam na galit sa 'yo?" Matagal siyang nag-isip pero eventually, umiling din siya. "Kung totoo 'yang sinasabi mo, mahihirapan ka hanapin yung may sala." Bumuntong-hininga lang siya ulit at hindi na niya ako sinagot. 


Inakbayan ko siya para gumaan naman kahit papaano yung pakiramdam niya. Dahil sa nangyari, napilitan kaming umuwi. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa kotse kami pauwi. Hindi ko naman siya masisisi kung gumugulo pa rin sa isip niya yung nangyari kanina. 


Nagbatian lang kami ng good night at saka na kami nagpunta sa mga kwarto namin. Pangit man pakinggan, naaawa at nalulungkot ako para sa kanya. Nasira yung maayos naming gabi nang dahil sa taong gumulo sa inihanda niyang dinner namin. 

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon