Chapter 51

55 1 0
                                    

Chapter 51. The Truth.

 

 

~Drake's POV

 

 

Kinakabahan talaga ako. Walang tigil ‘tong kaba ko e. Alam ko kung ano ang pwedeng mangyari kapag sinabi ko na sa kanya lahat ng nalalaman ko pero nakakakaba pa rin. Paano kung hindi na talaga niya ako napatawad? Ano na lang ang gagawin ko?

 

 

Ayaw kong mawala sa akin ang nag-iisa at pinakamamahal kong kapatid.

 

 

"Ganito kasi 'yan..." Panimula ko. Hinawakan ko yung nanlalamig niyang mga kamay at saka ko siya tiningnan sa mata. Dahan-dahan namang nawala yung ngiti ko nang makita ko yung pulang-pula at magang-maga niyang mga mata.

 

 

"Noong unang panahon – oo, magsisimula tayo sa 'noong unang panahon'. Kilalang intro 'yon e." Sabay kindat ko. Kaso hindi siya tumawa. Walang nagbago sa reaksyon niya.

 

 

"Joke lang. 'To naman, seryosong-seryoso. Ito na nga yung huling pagkakataon na makakausap kita ng ganito e tapos ganyan ka pa." Natatawa kong sabi sa kanya, umasta pa nga ako na parang nalungkot e. Pero sa kaloob-looban ko, higit pa sa lungkot ang nararamdaman ko.

 

 

I feel guilty, I feel like I’m the baddest bother that ever existed in this world, well, aside from Loki of course. Pero naging mabait naman siya sa huli e… so that makes me the baddest. I also feel ashamed and selfish. Hayyy… lahat na ng negativity na inalis ko sa akin ay bumalik.

 

 

Inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko dito kaya agad akong natigilan sa pagtawa. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo, kuya? Kanina mo pa sinasabi sa'kin 'yan. Para kang namamaalam. Ano bang sinasabi mo na hindi na kita mapapatawad?" Sabi ko na e.

 

 

Kung pwede nga lang 'wag ko nang sabihin sa kanya yung katotohanan. Kung pwede lang na matakasan ko yung ginawa kong kasalanan noon. Kung sana hindi ko na lang pinigilan yung mga alam kong mangyayari't mangyayari kahit ano pa ang gawin ko... kaso nandito na e. Wala nang atrasan.

 

 

"Makinig kang mabuti, Xrizshelle. Alam kong gustung-gusto mong malaman ang katotohanan... at ako ang magsasabi sa 'yo nun kasi ako lang at si Brent ang nakakaalam ng lahat." Hindi siya umimik at kumibo. Ganun pa rin ang tingin na binibigay niya sa akin at ganun pa rin ang emosyon na nakikita ko sa mukha niya.

 

 

Tumayo ako at saka lumapit sa napakalaking bintana sa kwarto niya at saka ako sumandal sa pader malapit dito. Tiningnan ko yung kumikislap na mga ilaw sa iba't ibang lugar na makikita galing sa bintanang ito.

 

 

Ang laki ng pinagbago ng lugar na 'to kumpara sa Pilipinas noong unang panahon.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon