Chapter 52. Second attempts are tougher than the first.
~Drake's POV
Nagbukas yung pintuan at may pumasok sa loob. Naglakad siya hanggang sa harapan ko at saka ako tiningnan sa mata. Si Starelle.
"Ganun pala talaga ang nangyari... yung taong lagi kang kinukulit sa mga text messages... si Cara ba?" No point in hiding kaya tumango-tango na lang ako.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at tahimik lang siya, walang nagsalita kasi lahat kami gulat na nandito siya. Hindi man lang namin siya napansin na nakikinig na pala sa labas ng pintuan.
Ikinagulat ko naman nang bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam yung gagawin ko nung una kaso narinig ko yung mga hikbi niya kaya dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik. Hindi ko gusto na saktan siya ng ganito pero kahit anong hirap ko na 'wag siyang isama sa gulo, noon pa siya nasama, kahit ayaw ko. She was already involved once she said ‘yes’ to me being her boyfriend.
"Ang sama-sama mo, Drake. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi niya.
"Hindi ko sinabi sa 'yo kasi natatakot ako na baka hindi mo na ako mapatawad kapag nalaman mo na ako ang may kagagawan ng pagkaka-hit and run kay Shelle." Naramdaman ko yung pag-iling niya at saka siya umalis sa yakap.
"Hindi mo kasalanan. Si Jace ang may gawa. Si Joshua naman yung target mo hindi ba? Hindi si Shelle," nakangiti niyang sabi. Tiningnan ko naman si Shelle na tumatango-tango din.
"Oo nga, kuya. Nagtataka nga ako kung bakit sinabi mo na hindi kita mapapatawad e alam ko naman na lahat ng ginagawa mo ay para sa kapakanan ko lang. Syempre nung una nagalit talaga ako kaso I took into account your reasons and it was all worthy enough." Nakangiti niyang sabi.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka ko niyakap si Shelle. Hinalikan ko rin siya sa tuktok ng ulo. "Salamat, Shelle. Starelle," tiningnan ko naman yung girlfriend ko. "Salamat din at pasensya na kung hindi ko agad sinabi sa 'yo." Lalo lang lumawak yung ngiti niya.
Kitang-kita ko pa rin yung mga luha niya kaya pinunasan ko ito at saka ko siya hinalikan sa labi at niyakap pagkatapos. "Walang problema, babe. Hindi naman ako agad na nanghuhusga." Sabi niya sa akin.
Hindi ko napansin na nag-oorder na pala ng makakain sila Ethan. Tama ba 'yon? Nagdadrama pa kaming tatlo dito e tapos mag-oorder lang siya ng McDo, Pizza Hut at Japanese food? Hayyy… inaabuso talaga nila yung kabaitan ko e.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Novela Juvenil[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...