Chapter 43

107 1 0
                                        

Chapter 43. Aftermath.

~Drake's POV

"Tapos na ba?"

"Yeah. Are you 100 percent sure about this, Drake?" Tiningnan ko lang siya at sa tingin na 'yon, alam na niya kung ano ang isasagot ko. "Kailangan pa bang tanungin 'yan, Harrison? Hindi ko hahayaang paglaruan kami ni Cara. Kung akala niya na kaya niya akong paglaruan... tsk. Nagkakamali siya."

May narinig ako na bumubungisngis kaya napalingon ako at nakitang nagpipigil ng tawa si Harrison at saka si Joshua. Mga loko 'to. Kitang ang galing umakting nung tao e. Pagtawanan ba naman?

"Sige lang, pagtawanan niyo pa ako." At 'yung dalawang gago, tumawa nga. Tama ba naman 'yun? "Tsk. Ano bang tinatawa-tawa niyo diyan? Magaling naman 'yung akting ko ah?! Impromptu pa nga 'yun e!"

"Ilang taon ka na ba talaga, babe?" Natigilan kaming tatlo at dahan-dahan na napalingon. Fuck. Narinig ba ni Starelle lahat ng pinag-usapan namin kanina ni Harrison? Kanina pa ba siya diyan? Tengene.

"A-Ah... kanina ka pa ba diyan?" Nawala naman 'yung ngiti niya at dahan-dahang lumapit sa akin at saka hinawakan 'yung baba ko at hinarap ito sa kanya. "Bakit? May kailangan ba akong malaman?"

"Wala," iniwas ko 'yung tingin ko pero ginalaw niya 'yung ulo ko at hinarap ulit ito sa kanya. "Sigurado ka?" Ano bang pwedeng palusot? "Ehhh~ May surprise kasi ako sa'yo. Wala na. Nakahalata ka na. Hindi na siya surprise!" Sabay pout ko. Shet. Kailan pa ako natutong mag-pout? Kadiri.

"Oh?! Omg. Dapat sana hindi na ako nagsalita. Kunyari hindi ko na lang alam. Hihihi." Sabay takip niya sa tenga niya. "Gora lang~ Continue your talk." At saka siya tumakbo nang hindi tinatanggal 'yung takip niya sa tenga. Ang cute lang talaga niya. Shet. Natamaan ka talaga, Drake.

Natauhan ako bigla nang may narinig akong umubo. "Excuse me, Drake. Can you set aside your fantasies for Starelle and focus on Shelle?" Tiningnan ko na lang ng masama si Harrison na nakatutok pa din sa laptop niya habang may kinakanta na lyrics na hindi ko maintindihan. "Sorry naman."

"Nothing to be sorry about, Kuya Drake. Being in love is rather a hard thing. Right, Harry?" Natahimik bigla si Harrison nang mapatingin siya kay Joshua at tumango-tango na lang. Ewan ko ba pero kapag ganyan na magsalita si Joshua, natatahimik bigla 'yung kausap niya at ginagawa agad ng kausap niya 'yung gusto niya. Pati tuloy ako, kinakabahan kapag ganyan na siya magsalita.

"Oh, Kuya Drake..." Nabaling naman 'yung atensyon ko kay Harrison. "Ano 'yun?" Sabay taas ko ng kilay ko. "How are the repairs going in the villa?"

"It's alright. Mom and dad hasn't found about it yet since I'm covering up for all the expenses and have told the people around not to spread the story. They're pretty obedient." Sabay ngiti ko sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na natawa. "Obedient? Pfft~ You mean you threatened them, right? Hahaha!" Tingnan mo 'tong si Joshua. Tama ba 'yang ginaganyan niya ako? Mas matanda kaya ako sa kanya. Ang ganda ng mga manners ng mga taong 'to. Grabe.

"Ha-ha-ha. So funny. Hindi ako ganung tao 'no." Tiningnan ko na lang sila ng masama at saka ako dumiretso sa kusina kung saan nakita ko doon si Starelle na wala na naman sa sarili niya.

Nakabalik na kami sa bahay namin since nagsimula na 'yung classes a week ago pero hindi namin pinapasok si Jeno at Shelle dahil nagpapagaling pa sila at medyo tulala pa din si Shelle. Alalang-alala na nga kami sa kanya kasi halos hindi na siya nakain. Madalas ay umiiyak siya pero walang may alam kung ano 'yung rason kasi hindi siya nagsasalita.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon