Chapter 36

110 1 0
                                    

Thirty-Six: Ongoing Battle.


~Jeno's POV


"'WAG!!! TAMA NA! TAMA NA!!!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga hawak nila sa akin. Pesteng tali 'to!


"Okayyyy! Madali naman akong kausap, bii." Sabay kindat nung babae sa akin sabay senyas sa iba at saka sila lumabas.


Pag ako nakawala sa mga tali na 'to at mahawakan ko 'yang babaeng 'yan, masasabunutan ko talaga 'yan at ilulublob ko sa kumukulong tubig at walang makakapigil sa akin!


Hindi na siya naawa kay Shelle! Hirap na hirap na nga yung tao sa pagtotorture nila sa kanya tapos kailangang araw-araw may bagong sugat! Kung ransom lang sana ang hinihingi nila, matagal nang tapos 'to. Hindi naman nila sinasabi yung rason. Kumukulo yung dugo ko sa kanya eh!


Magdadalawang linggo na kami dito mula nung kidnapin kami ng mga 'yon. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang saktan kami ni Shelle. Gaguhan lang kasi. Mangingidnap tapos hindi sasabihin kung bakit!


"Letcheng tali! Kung hindi lang talaga ako nakatali ng ganito, naagapan ko na ng first aid 'yang mga sugat mo! Hindi na sila naawa!"


Hindi pa rin ako tumitigil sa pagpipiglas kahit sobrang sakit na. Ang hapdi na ng katawan ko sa dami ng sugat at sa kakapiglas ko sa mga taling 'to. Pero hindi ako pwedeng tumigil kasi hindi ko kayang makitang ganito ang lagay ni Shelle.


Kung naging matalino lang ako sa pagdepensa ko nung kikidnapin pa lang kami edi sana hindi na 'to nangyari pa!


Umubo-ubo siya at saka nagsuka ng dugo at agad kong naramdaman yung pagkirot ng dibdib ko sa nakita ko. Duguan na siya. Sino ba namang hindi kung pagsusuntukin at pagsasasampalin ka araw-araw ng dalawang linggo?


Bugbog-sarado na siya tulad ko. Wala naman akong magawa. Kahit anong laban ko na palpak, sa kanya binubuntong yung kasalanan ko. Hindi ko kayang makitang saktan pa siya ng mga hayop na 'yon.


Kung hindi lang siya lumalaban malamang kanina pa siya walang malay. Gusto ko na ring bumigay eh, hindi naman kasi ako Captain America na kahit tinapon na sa pader at pinagsusuntok ng dire-diretso for thirty minutes eh buhay pa rin at nagagawa pang magsalita ng smart remarks niya.


"O-O...kay... lang ak-ko..." sinubukan niyang ngumiti pero nangingibabaw pa rin yung sakit na nararamdaman niya base sa mukha niya.


Dalawang linggo na akong nag-iisip ng paraan para makatakas kami dito. Nangongolekta ako ng impormasyon mula sa mga naririnig ko sa mga nakabantay sa amin pag nag-uusap sila sa labas. Masyado na nilang nasaktan si Shelle. Hindi na pwede 'to. Hindi na niya kakayanin.


Tangina kasi. Dalawang linggo na pero wala pa rin. Masyadong magaling magtago ng impormasyon 'tong mga 'to. Hindi nila nababanggit yung itsura ng lugar na 'to. Dalawa lang yung ilaw kaya wala akong makita na matino maliban sa mga kahon na nakapaligid sa amin. Wala ring bintana. Tangina kahit anong isip ko wala rin akong mapapala kasi wala naman akong alam sa lugar na 'to!

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon