Twenty-One: Karinderya
~Starelle's POV
"You're... what?" Nabaling yung tingin ko kay babe, akala ko siya yung nagsalita... hindi pala.
"Jeno... ano kasi..." uh-oh. Nanigas si Shelle at halatang hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag yung narinig ni Jeno. Pero ano bang dapat niyang ipaliwanag? Ba't takot siya na malaman ni Jeno? He doesn't have a right kasi hindi naman sila. Pero I know how much Shelle liked him. And ngayon na ganito na yung case... hayyyy. Youth nga naman. Nakakaloka.
Mainam na rin yung alam ni Jeno yung totoong nararamdaman ni Shelle para lalo siyang mag-eeffort na makuha yung loob ni Shelle. Ang haba naman kasi ng buhok ni baby ko. Dala-dalawa yung nagkakagusto sa kanya eh. Pero di ko naman maipagkakaila na maganda naman talaga baby ko.
"Jeno... tara sa labas." Tumayo si Drake at saka siya dumiretso kay Jeno. Aangal pa nga sana eh kaso hinila na ni babe. Sana naman walang bugbugan na mangyari. I know how guys can be.
Bumalik sa pag-upo si Shelle kaya hinaplos-haplos ko yung buhok niya. She shouldn't be experiencing this... protective na kung protective, I just don't want her to get hurt. "Hey, baby. 'Wag kang matakot, nandito lang ako. Okay?" Napatingin siya sa akin at bigla-bigla na lang siyang humagulgol na ikinagulat ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit at saka ko siya hinaplos-haplos sa likod in the hopes na macomfort ko siya. Hindi siya nagsasalita, umiyak lang siya nang umiyak sa balikat ko. Pangit man pakinggan pero naaawa ako sa kanya kasi halatang hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. She's still so young and naive.
"Shhh... just let it all out." Pagtatahan ko. Kahit ba naman umiiyak eh masunurin pa rin siya? Niyakap niya ako ng mas mahigpit at umiyak lang siya nang umiyak. Ang sakit nga sa dibdib na nakikita ko siyang ganito eh.
Pero hindi ko mapigilang macurious kung anong pinag-uusapan nung dalawa sa labas. Ano kayang nararamdaman ni Jeno ngayon? Ano kayang balak niyang gawin?
~Drake's POV
"Noon mo pa ba alam 'yon?!" Juskopo, ang sarap ding upakan ng batang 'to eh. Makakailang ulit na ba ako?
"Letche kang bata ka. Bingi ka ba? Hindi ko nga alam, diba? Kakauwi ko lang kasi, diba? Saka ba't ganyan ka ba makaasta? Kayo, kayo?" Sumandal ako sa kotse niya.
Ang drama lang nito para sa isang lalaki ha. Di ko naman siya masisi kasi alam ko naman kung gaano siya natamaan sa kapatid ko. Naiinis ako eh. Ang daming humahabol sa kapatid ko. Ang sarap pag-untog-untogin yung mga ulo. Di muna mag-aral. Bwiset.
Napasigaw siya at saka niya ginulo-gulo yung buhok niya. Sus. Di nga sila pero kung makareact 'tong gago na 'to wagas. Ano kayang plano ng isang 'to? Si Shelle din naman kasi sinigaw pa. Ayan tuloy, rinig hanggang labas. Kung ba't ba naman kasi di ko naisipang isara yung pintuan 'no? Tanga lang, Drake. Tangang gwapo. Okay lang, gwapo naman pala eh.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Novela Juvenil[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...