Chapter 2

736 20 12
                                        

Two: Joshua, the UHB.



~Shelle's POV


Kumuha ako ng malinis na damit sa walk-in closet ko at saka ako pumasok sa banyo. Pinigilan ko na muna kasi yung sarili ko na pagpantasyahan yung UHB na natutulog sa higaan ko ngayon. Baka kung anong magawa't masabi ko sa kanya e. Mahirap na. Baka pagbintangan pa akong loka-loka.


Ineexpect kong makita si Mr. Gwapo paglabas ko ng banyo pero wala na siya doon sa higaan ko. Saan kaya nagpunta 'yon? Nag-iilusyon lang ba ako kanina o sadyang nagising lang siya habang naliligo ako? Guni-guni ko lang ba yung presence niya kanina? Or in love na ako? Paano napunta dun yung pagkawala nung UHB? Nakakaloka!


Dumiretso ako sa baba para magbreakfast, baka nauna lang siya sa akin sa baba. Umagang-umaga ang iingay nila. Ang lively nila kuya pero okay na rin 'yon para masaya yung umaga namin.


"Good morning!" Malakas na pagbati ko. Nakasanayan ko na kasing gawain 'to every morning, panimula ko lang araw-araw. Kung may mga tao na sumisigaw sa matatas na building para ilabas yung mga hinanakit nila i kung ano man, ito naman yung akin, para maganda yung simula ng araw ko. Wala naman silang angal kaya go lang din ako.


Bigla na lang tumahimik kaya lalo akong nagtaka. Dapat bumabati na sila pabalik ah? Omg... naabduct ba ng aliens yung totoo kong pamilya at puro aliens yung mga kasama ko dito sa bahay?! Ay, nakakaloka, 'wag namang exaggerated, Shelle. Hindi naman ata... ata. ATA! OMG!


Binilisan ko yung pagbaba ko ng hagdan at saka ako dumiretso sa kusina. Walang tao pero may bagong luto! Tumakbo ako sa living room, walang tao pero medyo makalat! Omg! May magnanakaw kaya?! Tumakbo ako sa backyard namin, wala ring tao pero may nakahandang pagkain sa picnic bench. Omg. What the hell is going on here?


"AAAH!!!" Napatili agad ako nang may biglang natakip sa mga mata ko. "Omg! Sino 'to?!" Please, masyado pa akong bata para pahirapan at patayin. I'm too you for all these to happen! I'M STILL TOO YOUNG!


"'Wag niyo po akong sasaktan! Nagmamakaawa po ako! Hinahanap ko lang po yung pamilya ko! Pagnakawan niyo na po kami, 'wag niyo lang po akong sasaktan! Pero mag-iwan naman po kayo ng kahit limang libo para makapagsimula kaming muli! Di ko kayo isusumbong, pramis! Kung gusto mo i-add ko pa kayo sa FB! 'Wag niyo lang po sanang saktan yung pamilya ko o ako!" 


May narinig akong bumungisngis sa likod ko. Sandali nga, oo nakakatawa ako magpanic pero di naman ata ganito ka-chill yung mga magnanakaw, diba? Lalo na yung mga magnanakaw sa Pilipinas? Puhlease! Niramdam ko yung kamay na nakatakip sa mga mata ko. Kilalang-kilala ko yung bracelet na 'to... kasi ako yung nagbigay nito!


"KUYA!" Sigaw ko. Inalis ni Kuya yung kamay niya sa mga mata ko at saka ako niyakap galing sa likod. Kumawala ako sa yakap niya at saka naglakad papunta sa loob ng bahay at dire-diretsong pumunta sa kwarto ko.


Nilock ko yung pinto at pasalampak na umupo sa higaan ko. Nakakaasar naman kasi! Alam naman niyang ayoko ng mga ganung biro. Hindi kasi magandang biro yung ganun, uto-uto kasi ako kaya ayoko sa ganung biro.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon