Eight: Jeno, the Brokenhearted.
~Shelle's POV
OMO! OMO! OMOOO! ASDFGHJKL!
Napaiwas agad ako ng tingin. WTF! NAGKAHALIKAN KAMI NI JOSHUA!
Nagulat kasi ako nung may biglang tumawag sa pangalan ko eh nakalimutan kong sobrang lapit sa akin ni Joshua kaya pagkalingon ko, naglapat yung mga labi namin! Hindi naman sa nireregret ko (charot) pero syempre di rin okay sa akin yung nangyari. First kiss ko kasi 'yon eh at tulad nung mga pantasya ng mga babae diyan, gusto ko mahal ko yung unang makakahalikan ko!
**
*CHUP* "Hala?! Ba't mo ako hinalikan?!"
"Wae? Munjega issseubnikka?"
"Ha? Uhhh... is there a problem ba 'yon? Hirap naman kasing kumausap sa isang Koreano! 'Wag kang ganyan! Baka mamaya may sinabi ka na pala na ANO. Hahaha! Mamaya sinasabi mo na pala na MAHAL MO AKO. ALAM NA. HAHAHA!"
"So you have a perverted side too, huh?"
"CHE! MANYAK KA DIYAN!"
"Hahaha! But... do you not like it when I kiss you?"
"Hindi naman pero first kiss ko kaya 'yon!"
"Ah... Sorry?"
"ANONG SORRY? ANONG MAIBABALIK NG SORRY?"
"Hey, don't get mad. I'm sorry, alright? I didn't know."
"Bakit ka nagso-sorry?! LUMAPIT KA NGA DITO."
"Umm... okay." *Lapit*
*CHU* "Whoa! Why did do that?!"
"Gusto ko pa kasi e. Ang lambot kasi ng labi mo. Hihihi."
"C'mere, maniac." *CHUUU*
**
Whoa... napahawak ako sa ulo ko. Ang haba naman nung scene na 'yon tapos medyo clear na pero yung mukha lang talaga nung guy yung di ko makita. Ba't kaya ganun? Kitang-kita ko na ako yung babae pero di ko makita yung mukha nung lalaki. Nakakafrustrate lang.
"What happened?" Natauhan ako bigla nang marinig ko yung boses ni Papa kaya agad akong napalingon sa pinto. Patay... nakita ni Papa...
"Ma! Pa! Ano kasi... nagulat ako nung may biglang tumawag sa akin kaya napalingon ako pero nakalimutan kong malapit pala yung mukha ni Joshua kaya sorry po! Ako po yung may kasalanan!" Yumuko ako kasi sobrang natatakot talaga ako ngayon sa pwede nilang sabihin.
Kakatayin at lelechonin na ba nila ako dahil sa ginawa ko? Malandi ba yung impression nila sa akin ngayon? Oo, may tinatago akong kerengkeng pero di naman ako ganun kadesperada.
"HAHAHA! It's okay, beh! I saw naman what happened since ako yung unang pumasok!" Natatawang sabi ni Mama habang papalapit sa akin at saka siya nakipagbeso-beso sa akin.
"Ma naman. 'Wag mo naman akong tinatakot ng ganyan. Kinabahan ako eh," at saka ako dahan-dahang napatingin kay papa. "Pa? Galit ka ba sa akin?" Inalis niya yung tingin niya sa akin at saka niya binuhat yung groceries na nasa may pintuan.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...