Chapter 48.
~Brent's POV
Kumatok muna ako bago ako nagsalita. "Shelle... si Brent 'to."
Maaalala niya pa kaya ako? Kahit man lang sa pangalan ko? Alam kong malabong maalala niya pa ako pero masama bang umasa? Ay, shet. I sound girly. Miss ko lang talaga 'yung kinakapatid ko. Sobra kaming nagdusa noong nawala siya, lalo na ako dahil bukod kay Rain at Van, ako 'yung pinakamatagal din niyang naging kaibigan at kuya-kuyahan. Nakaka-miss lang talaga.
"Pasok," napangiti naman ako at agad na pumasok at saka naglakad diretso sa archway kung saan matatagpuan 'yung higaan niya (malaki nga kasi 'yung kwarto niya at wala akong ganang ikwento 'yung itsura ng kwarto niya dahil hindi naman 'yon 'yung pinunta ko dito).
Nakatingin lang siya sa akin, no evident emotion on her face. Hindi nga niya talaga ako– "Oh, Kuya Brent. Napadpad ka dito?" Halos himatayin na ako nang marinig kong sabihin niya 'yong pangalan ko.
Brent... NAIIYAK AKO MGA PARE! HINDI KO ALAM NA DARATING PALA 'YUNG PANAHON NA MAGIGING SOBRANG SAYA KO NA MARINIG ANG SARILI KONG PANGALAN!
Sinenyasan niya ako na umupo doon sa empty space sa higaan niya since maluwag naman 'yung higaan niya. Pang-dalawang tao kasi. Umupo ako doon at saka humarap sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan 'yung magkabilang pisngi ko.
"Uh... ano meron? May dumi ba sa mukha ko?" Naiilang kong tanong. (Naiilang daw... kinikilig ka lang e kasi naaalala ka na ng my labs mo.) Shet, nambubulgar 'yung subconscious mind ko.
Umiling lang siya at saka pinahid sa mukha ko 'yung mga hinlalaki niya. "Umiiyak ka e..." sagot niya na hindi ko mapaniwalaan. Ako? Umiiyak? Paanong naiyak? Kailan pa?
Tinanggal ko 'yung kamay niya sa pisngi ko at hinawakan ito. Basa nga. Tumayo ako sa higaan niya at dumiretso sa walk-in closet niya kung saan may full body mirror at saka tiningnan 'yung mukha ko doon. Basa nga. Umiiyak nga ako. Baka dahil na-miss ko siya. 'Yon lang naman 'yung pwedeng maging dahilan ng biglaang pag-iyak ko e.
Fuck. Ngayon lang sumagi sa isipan ko na lalaki pala ako. Ang puta naman. Kalalaki mong tao, ang drama drama mo, Brent. Kadiri ka. Umayos ka nga! Where's your balls, dude? (Whoops. Sarreh sa mga honey bunch diyan. *wink* At least you know I've got some balls, right? Joke. Biro lang.)
Pinunasan ko 'yung mga luha ko sa mukha at saka bumalik sa higaan na Shelle at umupo doon sa tabi niya. Nilingon niya naman ako. (Nakatingin kasi siya sa bintana nung dumating ako.) "Okay ka na ba?" Tumango ako bilang sagot.
"Alam kong nagpipigil ka lang. 'Wag kang mag-alala. Kilala naman kita e." Napangiti ako ng malawak at saka ko siya niyakap at hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo. Bear hug daw ba tawag dun?
"MISS NA MISS NA MISS NA MISS NA MISS NA KITAAAAA! GRABE! KUNG HINDI LANG KASI AKO LATE KINONTAK NG MOKONG MONG KUYA, NOON PA TAYO NAGKASAMA! HUHUHU! SHET! ANG PUTI MO PA DIN! GANDA MO, MY LABS! KAYA NGA MAHAL KA NI KUYA BRENT E!" Hindi ko napigilang isigaw.
Natawa naman siya at saka ako niyakap pabalik. Matagal kaming magkayakap lang habang kinukwento ko sa kanya 'yung mga experiences ko sa Korea tapos kinuwento niya sa akin 'yung mga masasayang experiences niya. We tried catching up from the time that was lost because of her memory loss before. Masaya pero may isang bumabagabag sa akin na tanong simula kaninang pagdating ko dito sa kwarto niya hanggang ngayon kaya tatanungin ko na siya.
"My labs, may gusto lang sana akong malaman."
"Hmm? Ano 'yon?" –Shelle
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Novela Juvenil[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...