Chapter 1

289 12 0
                                    

Czarina Eunice's

"Sweetheart, bakit hindi mo sinabing uuwi ka?"

Narinig ko ang malambing na boses ni Mommy habang pababa ako ng hagdan. Mukhang umuwi na yata ang magaling kong ama.

"I'm tired, Eula" narinig kong sagot nito. Nanatili akong nasa kubling parte ng hagdan habang pinakikinggan sila. Hindi sila nagsisigawan na parang nag-aaway pero nararamdaman kong hindi rin sila okay.

Bata palang ako ay ramdam kong may something na sa pamilya namin. Bihira lang umuwi ang Daddy ko dito at tuwing narito sya ay parang takot na takot si Mommy sa kanya. Ewan ko ba, parang walang sariling desisyon si Mommy at parang takot na takot syang magkamali sa harapan ni Daddy.

"Sige, gusto mo bang dalhan na lang kita ng food sa kwarto?"

"No need. Magpapahinga na lang ako sa kwarto."

"Pero kumain ka na ba?"

"Yeah, kumain na kami ni Frances" hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya. Hindi ko na muling narinig pa ang tugon ni Mommy. Bumuntong hininga ako at inayos ang salamin ko. Habang hawak ang dalawang strap ng backpack ko ay dahan-dahang bumaba ako sa natitirang baitang ng hagdan at lumapit sa kanila. Nagbless ako kay Daddy na seryosong nakatingin lang sakin.

"How's school, Eunice?" Striktong tanong nya. Hindi man lang kababakasan ng pagkamiss sakin ang mukha nya kahit na dalawang linggo ata siyang hindi umuwi dito.

"First Periodical test po namin ngayon" sagot ko. Tumango tango naman sya at pinatong lang ang palad nya sa ulo ko bago tumalikod paalis.

"Mom? Who's Frances?" Natigilan naman sya at nag-iwas ng tingin. Inayos nya ang salamin ko sa mata at banayad na sinuklay nya ang bangs ko gamit lang ang mga daliri nya.

"She's not important. Galingan mo sa exams nyo ha. Para matuwa si Daddy" nakangiting sabi nya.

"Yes, Mommy. Baka this time, umattend naman sya ng recognition ko pag may medals ulit ako" noong elementary kasi ako ay hindi man lang umaattend si Daddy ng recognition day. Kahit nga nung graduation namin hindi sya umattend dahil busy sya sa mga businesses nya. Baka ngayong highschool na ako, mag-iba naman kaya ginagalingan ko pa rin talaga.

May dumaang kung anong emosyon sa mga mata ni Mommy pero hindi ko matukoy kung ano yun. Tipid syang ngumiti at hinalikan ako sa noo.

"Sige na. Baka ma-late ka pa. I love you"

"I love you too, Mom" humalik lang ako sa pisngi nya bago pumunta sa kwarto ng Kuya ko para magpaalam.

I have an older brother and he's special. He was diagnosed with down syndrome but for me, he is the best brother in the world. He's the sweetest and most caring man I know. Sa kabila ng kakulangan nya, nagagawa pa rin nyang pagaanin ang loob ko palagi. Yun nga lang, pag sinusumpong sya, hindi ako pinapalapit ni Mommy sa kanya. May tendency kasing manakit si Kuya pag sobra yung emotions nya.

"Kuya Amiel" nakangiting bati ko sa kanya pag pasok ko ng kwarto nya. Naabutan ko syang may kinakalikot sa isang kahon kaya nakakunot noong lumapit ako sa kanya.

"What's that, Kuya?" Ngumiti sya at humawak sa kamay ko. Dinadala nya yun sa pisngi nya at kiniskis doon. Ganun lagi ang ginagawa nya pag nakikita ako.

"Gift" hirap magsalita si Kuya pero ginagawa ko yung best ko para maintindihan ko sya..

"For whom?"

"You ... Birthday" tinuro pa nya ako kaya mas lumapad ang ngiti ko. Pinisil ko ang magkabila nyang pisngi at hinalikan sya sa noo.

"Kuya talaga. Five months pa po bago ang birthday ko. Matagal pa yun. Mauuna pa nga po yung sayo e" hindi na sya nagsalita at bumalik na sa ginagawa..

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon