Czarina Eunice's
"Congratulations, babe!" Nakangiting bati sakin ni Jarred pagtapos ng graduation namin. Kahit nakangiti sya ay hindi yun umabot sa mga mata nya. Hindi kasi nakauwi ang parents nya kaya Tita lang nya ang naghatid at nagsabit ng medal sa kanya.
"Congratulations din babe!" Nakangiting sabi ko rin kahit na sa loob loob ko ay nasasaktan din ako. Akala ko kasi pag grumaduate ako nang may mataas na karangalan, aattend man lang ang tatay ko pero hindi pa rin pala. Si Mommy at Kuya lang ang narito gaya nung grumaduate ako ng elementary.
Galit man ako sa kanya pero hindi pa rin maiaalis yung katotohanang ama ko pa rin sya at ang lahat ay ginagawa ko para maging proud sya sakin.
"Ang dami naman nyan babe! Pwede nang isanla" biro nya sakin habang kinakalansing ang mga medalya ko.
"Yung sayo ang pag interesan mo, wag yung sakin" tatawa-tawang sabi ko. Achiever ang loko tapos ang dami pa nyang extracurricular activities kaya marami-rami rin syang medalyang natanggap.
"Aba ipapaframe ko to. Di ko nga akalaing magkakaroon ako ng ganito e" tinaas pa nya yung mga medalya nya kaya napailing na lang ako.
"Akala ko nga gagraduate akong kaldero ang sabit" tuloy pa nya kaya pabirong binatukan ko sya.
Di nga maikakailang malaki ang improvement ng lalaking to dahil maging mga teachers namin ay nagtaka sa kanya.
"Puro ka kalokohan, Jarred! Tara na nga hinihintay na ako ni Mommy at Kuya" hila ko sa kamay nya pero nanatili lang syang nakatayo sa pwesto nya.
Kunot noong nilingon ko sya dahil ayaw pa nyang maglakad.
"Hoy! Tara na" narito pa rin kami sa tapat ng stage. Kaunti na lang ang mga tao dahil mga nagsiuwian na.
"I love you" out of nowhere na sabi nya kaya natatawang humarap ako sa kanya. Dahan-dahang lumapit sya at hinaplos ang pisngi ko.
"Walang magbabago ha" seryosong sabi nya kaya tumango ako.
"Wala po. Walang magbabago" pagsang-ayon ko sa kanya. Sana. Naramdaman kong lumapat ang labi nya sa noo ko kaya napapikit na lang ako.
After ng graduation ay umuwi na kami sa bahay dahil may party na hinanda para sakin si Mommy. Hindi nakasama si Jarred dahil may celebration din daw na hinanda ang Tita nya para sa kanya.
"Congratulations, Czarina" napa-angat ang tingin ko nung narinig ang boses ni Daddy. Sya lang ang tumatawag sakin ng ganun pag seryoso sya o di kaya ay pag nakakagawa ako ng bagay na nagugustuhan nya.
"Thank you po" alanganing sagot ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang ekspresyon nyang ganito. Yung may tipid na ngiti at wari mo'y kumikislap ang mga mata.
"I want you to meet someone" nakangiti pa ring sabi nya kaya napakunot ang noo ko. Sumenyas sya sa may likuran ko at may sumulpot doong matangkad na lalaking nakahoodie at nakasimangot.
"This is Zach Buenaventura, panganay na anak ng Ninong Zandro mo and Zach, this is my unica hija, Eunice" nakangiti pa rin sya habang marahang tinatapik tapik ang balikat ko. Lasing ba to? Bat ngiti nang ngiti.
Si Ninong Zandro ay bestfriend ni Daddy dahil ang mga tatay nila ay mag bestfriend din noon. Bihira ko lang sila makita dahil sa province sila namamalagi dahil may hacienda sila doon. Ngayon ko lang nakita ang Zach na ito dahil hindi pa naman sya sinasama ni Ninong dito samin.
Tinanguan ko lang yung Zach at tipid na nginitian. Napasinghap na lang ako nung inirapan nya ako at nagpasak ng earphones sa tenga nya. May kabastusan ding taglay ang lintik na to!
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...