Chapter 22

99 9 0
                                    

Czarina Eunice's

"Good morning, Eunice" nakangiting bati sakin ni Tita Beatrice nung nakita ko siya pagbaba ko ng hagdan. Naiilang nga ngumiti ako pabalik sa kanya at bumeso.

Hindi ko alam na narito pala sila. Late na kasi akong nakauwi kagabi dahil may event dun sa company kung saan kami nag-o-OJT.

"Good morning po, Tita" kiming bati ko pabalik.

"Aalis ka na ba? Join us for breakfast. Nandiyan din si Zach at si Vrielle" yaya nya sakin. Para tuloy ako ang bisita sa sariling pamamahay ko.

"Sige po" dahil sa hiya ay pinaunlakan ko na rin siya. Ang tagal na rin ng panahon mula nung huling kumain ako sa hapag-kainan ng bahay namin. Yun ay noong mga panahong buhay pa si Mommy.

Kalimitan kasing sa kwarto ako kumakain o kaya sa garden pag naglalambing si Kuya Amiel.

Pagdating sa dining area ay agad na sumama ang mood ko dahil nakaupo si Frances sa dating pwesto ni Mommy.

"Hoy, okay ka lang?" Napapitlag ako nung hawakan ni Zach ang kamay ko at pasimpleng bumulong. Nasa tapat ko lang kasi siya. Kiming tumango naman ako. Tumayo siya at ipinaghila ako ng upuang katabi nya. Dahan-dahang umupo ako doon na hindi tumitingin sa gawi ni Daddy.

Pagkatapos magdasal ni Vrielle ay nagsimula na kaming kumain. Maingay ang hapag-kainan dahil sa pag-uusap usap ng mga matatanda pero ako ay nanatiling tahimik lang habang pinaglalaruan ang pagkain sa harap ko. Hindi ko kasi malunok yun.

"Hoy, kumain ka nga. Maraming bata ang nagugutom" Bulong sakin ni Zach. Inirapan ko lang siya.

"Bakit pag kumain ba ako, mabubusog sila?" Inis na sagot ko pabalik. Alam kong baluktot ang reasonings ko pero naiinis talaga ako sa mga nasa paligid ko.

"Pasalamat ka wala dito si Nanay Helen. Pag narinig ka nun na sinabi mo yan, isang linggong tutong ang ipapakain nun sayo and trust me when I say tutong, maitim talaga yun at napakatigas" inirapan ko lang siya at uminom na ako ng tubig.

"Malayo si Nanay Helen saka favorite ko ang tutong kaya balakadyan!" Kahit na hindi ko alam kung ano yung tutong na sinasabi nya.

"Mukhang nagkakamabutihan na ang mga bata, ano?" Nakangiting sabi ni Ninong Zandro kaya nabaling ang atensyon namin sa kanila.

"Mabuti yun para hindi na rin tayo mahirapan pag dating ng panahon" nakangiting sabi naman ni Daddy. Ano bang sinasabi nila? Mga matatanda nga naman, kanya-kanyang trip.

"I have to go" maikling paalam ko at tumayo na.

"Pero hindi ka pa tapos kumain" Kunwaring nag-aalalang sabi ni Frances kaya napairap na lang ako.

"Busog na ako" kinuha ko na ang gamit ko at nagmamadaling umalis ng dinning area. Pakiramdam ko'y saka lang ako nakahinga ng maayos nung nakarating ako sa kwarto ni Kuya Amiel.

Naabutan ko siyang may dinodrawing sa study table nya. Nakangiting lumapit ako sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo nya.

"Have you eaten, Kuya?" Hindi nag-aangat ng tinging tumango siya para sagutin ang tanong ko. Hindi ko na siya inistorbo dahil mukhang busy talaga siya. Hinalikan ko na lang muli ang noo nya bago ako nagpaalam para umalis.

Paglabas ko ng gate ay naroon na si Jarred at naghihintay. Sumakay ako ng kotse nya at humalik sa pisngi nya.

"Tagal mo. Malelate na ako" nakangusong sabi nya. Ihahatid pa kasi nya ako sa company kung saan ako nag-o-OJT bago siya pumunta sa company na pinag o-OJT - han din nya.

Umiwas talaga ako sa company ni Daddy dahil ayokong makasalamuha siya araw-araw. Wala akong pakialam sa mga negosyo nya. Gusto ko lang talagang makagraduate para makalayo na kami ni Kuya. Gusto kong tuparin yung pangako ko kay Mommy kahit na wala na siya.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon