Czarina Eunice's
"Babe, open the door" nabalik ako sa reyalidad nang kumatok si Jarred sa pinto. Hindi ako nagsalita at humiga na lang sa kama.
Yakap yakap ko ang unan ni Jarred habang nag-iisip. Nag-aalala ako sa mga kapatid ko. Ano ba talagang gusto ni Daddy?
Nakarinig ako ng click mula sa doorknob. Mukhang gumamit na ng susi si Jarred. Hindi ko siya pinansin at nilingon. Naramdaman kong lumundo ang kama at ang mga kamay nyang humahaplos sa buhok ko.
"I'm sorry, babe. Nag-alala lang naman ako. Sorry na. Di na ako magagalit" malambing na sabi nya.
Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. Nakatalikod ako sa kanya kaya yumakap siya mula sa likod. Hinalikan nya ang balikat ko. Nanatili akong nakapikit at tahimik.
"Babe, talk to me please" patuloy pa rin siya sa paghalik sa pisngi ko. Hindi na ako nakatiis kaya humarap na ako sa kanya at sumiksik muli sa kanya.
Nung naamoy ko ang pabango nya ay tinulak ko siya.
"Maligo ka muna. Baho mo" natatawang tumayo siya at hinalikan ako sa noo.
"I love you" sabi nya bago pumasok ng cr.
Habang naliligo si Jarred ay nag-iisip ako. Gusto kong umuwi dahil nag-aalala ako sa mga kapatid ko. Alam kong hindi papayag si Jarred kaya lalo akong naguguluhan.
"Babe?"
"Babe?"
"Babe?" Tawag nyang muli sabay halik na sa pisngi ko kaya napapitlag ako.
"Ha?" Takang tanong ko. Tapos na pala siyang maligo. Di ko na namalayan.
"May problema ba? Parang ang lalim ng iniisip mo" malambing na tanong nya. Umiling lang ako at humilig sa balikat nya.
Naramdaman ko namang bahagya akong umangat at ilang sandali pa nga ay nasa kandungan na nya ako.
"Gusto mong ishare? Handa akong makinig" panlalambing nya habang hinahaplos ng buhok ko.
Bumuntong hininga ako at yumakap sa leeg nya.
"Tumawag si Zach" paninimula ko. Naramdaman kong natigilan siya ngunit hindi na muling nagsalita.
"Tinago daw ni Daddy si Sarina. Gaya ng ginawa nya kay Kuya Amiel" naiiyak na sabi ko. Sinapo naman ni Jarred ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.
"Feeling ko, kasalanan ko kung bakit nya ginawa yun. Naaawa ako sa mga kapatid ko. Baka kung ano na ang ginawa nya sa kanila"
"Shush, wala kang kasalanan. Wag ka nang umiyak. Makakasama yun sa baby natin"
"Umuwi na kaya ako. Kakausapin ko lang si Daddy"
"No!" Matigas na sabi nya. Expected kong ganun ang reaksyon nya.
"Babalik ako. Promise"
"No. End of discussion" nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Lalo akong naguluhan.
"Pero --"
"No more buts, Eunice. Hindi ako papayag kahit na ano pa ang sabihin mo" matigas ang ekspresyon ng mukha nya kaya natahimik na lang ako. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.
Hinapit nya ako at masuyong niyakap. Muli akong sumiksik sa leeg nya.
"G-gusto ko lang naman masigurong safe ang mga kapatid ko e. Miss na miss ko na si Kuya Amiel. Ilang taon ko na siyang hindi nakikita" iyak lang ako nang iyak habang hinahaplos nya ang likod ko.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...