Czarina Eunice's
"Just send those files to me, Honey. Pag-aaralan ko muna .. yeah .. she's here, playing with her food. Ayaw na naman kumain dahil hindi ko naipagluto ng pancake. She said that she misses you so much .. Hahaha, whatever .. love you too. Bye" natigil ako sa akmang pagpasok sa kusina dahil sa narinig ko.
Tila may gumuhit na sakit sa puso ko dahil sa narinig. Kagabi, umasa ako na magiging okay ulit kami pero ngayon ay tila sinampal ako ng katotohanan.
"Finish your food, baby. Magagalit si Mama sayo sige ka" malambing na sabi ni Jarred sa bata. Pasimpleng sumilip ako sa kanina.
Kasalukuyang nakakalong ang bata sa ama habang sinusubuan ito. Nakanguso naman ang bata at nagtatrantums pa.
"Let's go home, daddy. I already miss my Mama" parang may biglang bumara sa lalamunan ko dahil doon. Oo nga pala, estranghero pa rin ako pagdating sa anak ko.
"Later, love. Just finish your food first" sinubuan naman muli ni Jarred ang bata hanggang sa maubos nito ang kinakain.
Matapos niyang pakainin ang bata ay binuhat niya na ito. Dali-daling umalis ako sa may pinto ng kusina at bumalik sa sala nang mapansin kong palabas na sila.
Pilit na nginitian ko si Jarred para itago ang sakit na bumabalatay sa mukha ko nung nagtama ang mga mata namin. Matamis na ngumiti naman siya nung makita ako.
"Morning, babe. Breakfast is ready" tinanguan ko lang siya at nilampasan. Hindi ako dumeretso sa kusina kundi sa backyard na.
Napapikit ako nung dumampi sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Parang kinakalma ako nito at tinutuyo ang mga luhang tuluyan ng tumulo mula sa mga mata ko.
Naupo ako sa duyan na lagi ko ring tinatambayan noon. Hindi ko akalaing narito pa rin ito ngayon. Sana tulad ng lugar at mga gamit rito na iniwan ko noon ay ganun din si Jarred. Walang ipinagbago at walang nagmamay-aring iba. Pero alam kong kalabisan na hilingin yun.
"Tapos ka ng kumain?" Napalingon ako nung bigla siyang sumulpot sa tabi ko.
"H-hindi pa. Namiss ko lang yung view kaya lumabas muna ako"
"Sasama ka ba sa amin sa Quezon? Uuwi na kami dahil may pasok na si Sabrina bukas"
"P-pwede ba akong sumama?" Alanganing tanong ko. Ayoko ng gulo. Ang gusto ko lang ay makilala at makasama ako ng anak ko.
"Syempre naman. Bakit hindi?" Kunot noong tanong niya.
"Kumain ka na muna then isabay mo na sa paliligo si Sabrina. Dalaga na kasi ang prinsesa ko. Nahihiya na sa akin" kakamot kamot sa ulong sabi nya kaya napangiti na rin ako.
"Boy ka nga daw kasi"
"Yung next na baby ko sisiguraduhin kong boy na" nakatitig lang siya sa mga mata habang sinasabi yun kaya napaiwas ako ng tingin.
"Good luck then. Sige lang, magparami ka lang ng lahi" pilit ko siyang nginitian at tinapik sa balikat bago tinalikuran.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Sabrina na may hawak na tablet habang may kausap doon. Muling nabuhay ang insecurities ko sa katawan dahil mukhang napakasaya ng anak ko habang kausap ang babae.
"Sabrina, baby?" Agaw ko sa atensyon nya. Agad naman itong tumingin sa akin. Parang napapaso ako sa mga tingin nya. Ang seryoso at parang binabasa ang nasa isip ko.
Nawala ang mga alalahanin ko nung bigla siyang ngumiti at binaba na ang tablet na hawak.
"Are you going to give me a bath? Let's go! I badly want to go home" but baby, we're already home. Piping usal ko.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...