Chapter 7

107 11 5
                                    

Czarina Eunice's

"Babe!" Nagulat ako nung biglang sumulpot si Jarred sa tabi ko at inagaw ang mga dala ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko. Medyo late na kasi akong pumasok kaya nakakapagtakang nandito pa rin sya sa may gate.

"Miss na kita e" sagot naman nya kaya napairap na lang ako.

Two days din akong absent dahil sa nangyari tapos dagdag pa yung weekends kaya nasa apat na araw din kaming hindi nagkita.

"Tss. Puro ka kalokohan"

"Di kaya kalokohan yun. Di ka kasi nagrereply sa mga text ko. Nag-aalala ako sayo" napabuntong hininga na lang ako.

Sinusubukan ko kasing iwasan sya hindi ko rin sinasagot ang mga tawag at texts nya. Ayoko na nito. Gusto ko ng umayaw sa laro namin. Nangako ako kay Mommy na magiging matalino ako sa lahat ng pagkakataon at napagtanto kong sobrang impulsive yung desisyon kong pumayag sa gusto nya.

Dala din siguro ng inis at kagustuhang makaganti sa kanya kaya hindi ako nag-isip bago pumayag. At ngayon nga, alam kong talo na ako pero hinding-hindi ako aamin sa kanya.

"Nga pala babe, ito yung mga notes nyo. Kinopya ko to kay Cala para hindi ka mahuli sa mga lessons nyo" inabot nya sakin yung ilang piraso ng longpad na puno ng sulat. Kunot noong chineck ko yun at napakagat na lang ako sa labi nung makitang handouts yun sa lahat ng subjects. May date pa at ang Math, puro examples talaga. May mga drawing pa ng mga graphs.

Paano ako iiwas pag ganito? Paano ko poprotektahan yung sarili ko?

"Pasensya ka na sa sulat ha. Alam mo namang pangit talaga ang penmanship ko" kakamot kamot pa sa ulong sabi nya.

"Thank you, Jarred" sincere na sabi ko. Ginulo lang nya yung buhok ko at ngumiti.

"Wag ka nang ma-stress. Nandito lang ako" hanggang kailan?

Masyado pang maaga para sabihin nya yun. Masyado pa kaming bata at marami pang mangyayari sa hinaharap.

Hinatid nya ako hanggang classroom bago sya pumunta ng room nila. Sakto namang nag-ring yung bell pag-upo ko sa upuan ko.

"Binigay sayo ni Jarred yung mga handouts? Lagi yung tambay sa room natin after ng klase e. Kinokopya yung mga examples ni Sir Deo sa board. Di ko na kasi kinokopya yun kaya di nya mahiram yung notebook ko" natatawang sabi ni Cala habang narito kami sa open field para sa flag ceremony.

"Ginagawa nya yun?" Gulat na tanong ko.

"Oo, kaclose na nga nya yung iba nating classmates dahil nirerequest nyang wag munang burahin yung mga nakasulat para may makopya sya" napatingin ako sa pwesto nina Jarred. Medyo malayo ang pila nila samin dahil section C pa sila pero tanaw na tanaw ko pa rin sya. Ang tangkad kasi at talagang angat sya sa lahat.

"Nanibago nga ako sa lokong yun e. Di naman yun nagnonotes dati tapos biglang sumipag ngayon" patuloy pa ni Cala habang nakataas ang kanang kamay dahil nanunumpa na sa watawat ng Pilipinas. Todo chika pa rin sya.

"Boyfriend mo na ba yun, bessy?" Tanong pa nya nung hindi ako nagsalita. Umiling lang ako at binalik na ang tingin sa unahan.

Kailangan matapos na tong larong to dahil ayokong dumating sa puntong hulog na hulog na ako tapos laro lang pala lahat para sa kanya. Naiisip ko pa lang, sumasakit na ang puso ko.

After class ay nakita ko na naman si Jarred sa labas ng classroom namin. Nakipag-apir pa sya sa nga kaklase kong lalaki ba kala mo'y close na close na sila.

Nakangiting lumapit sya sakin at kinuha ang mga dala ko. Napakunot ang noo nya nung hindi ko yun binigay sa kanya at tinalikuran na agad sya.

"Cala, let's go!" Hinigit ko si Cala na nagtataka din sa inasta ko pero hindi na sya nagtatanong.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon