Czarina Eunice's
"Babe! Anong ginagawa mo dito? Bakit di ka nagtext?" Gulat na tanong ni Jarred pagbukas nya ng gate at nakita ako. Mukhang bagong gising lang siya dahil gulo-gulo pa ang buhok nya.
"Pasok ka muna. Nasa rooftop sina Mommy" yaya nya sakin. Tahimik na sumunod lang ako sa kanya. Pinaupo nya muna ako sa sofa bago nya hinagilap ang isang t-shirt na nasa gilid.
"Sinong tao dito?"
"Kami lang nina Mommy, Daddy at yung Kambal. Umalis na kasi sina Athena kaninang madaling araw. May magandang offer siya sa isang malaking company sa Manila. Doon na sya magrerent ng apartment" paliwanag nya. Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya at parang mine-memorya ang mukha nya. Hindi ko na nga naiintindihan ang mga sinasabi nya dahil walang pumapasok sa utak ko. Gusto ko lang talagang pagmasdan siya. Baka kasi huli na to.
"Bakit? May panis na laway ba ako?" Takang tanong nya. Tipid na nginitian ko lang siya at umiling.
"Sorry ha. Halos madaling araw na rin ako nakatulog kanina e. Ang kukulit ng mga pinsan ko" parang nahihiyang sabi nya kaya inabot ko ang kamay nya't hinawakan.
Sa totoo lang, ako pa nga dapat ang magsorry dahil ang aga kong nang-istorbo sa kanila. Siguradong pagod pa rin sila dahil nga sa graduation party na ginanap dito kahapon.
Kahapon ...
Muli akong napapikit nung naalala ko ang nangyari kahapon. Hindi ko yun matatanggap pero hindi ako binigyan ni Daddy ng choice.
"Ate Eunice!" Napapitlag kaming pareho nung narinig namin ang matinis na tili ng kambal habang pababa ng hagdan. Nag-uunahan pa sila sa paglapit sakin.
"Amara, Amira sabing wag tatakbo pababa ng hagdan e" sermon ni Jarred sa kanila. Nginisihan lang siya nung dalawa at sumiksik sakin. Bumuntong hininga na lang si Jarred nung sinamaan ko siya ng tingin.
"Nandito ka pala, anak. Nagbreakfast ka na ba?" Nabaling ang tingin ko kay Tita Angela nung narinig ko ang malambing nyang boses. Atubiling tumayo ako at bumeso sa kanya.
"Opo Tita. Ah, dumaan lang po ako dito para sana ipagpaalam si Jarred. Magpapasama po kasi ako sa kanya" naguguluhang tumingin sakin si Jarred. Nginisihan ko lang siya kaya napakamot siya sa ulo nya.
"Tingnan mo tong batang to, may lakad pala tanghali nang gumising!" Sermon sa kanya ni Tita kaya napangiwi siya.
"Hindi ko kaya matandaang may usapan kami kagabi" bubulong bulong na sabi ni Jarred kaya pasimpleng kinurot ko siya.
"Maligo ka na!" Pinanlakihan siya ng mata ni Tita kaya lulugo-lugong umakyat siya sa kwarto nya.
"Mga nagpuyat kasi kagabi kasama ng mga pinsan nya. Halika muna sa kusina, kailangan mong matikman ang bagong bake na cookies ko" one thing na gustong-gusto ko kay Tita ay yung lagi siyang nakangiti kaya nakakagaan ng pakiramdam. Pansamantala tuloy na nakalimutan ko ang iniisip ko.
"Saan ba kayo pupunta?"
"I-inutusan po kasi ako ni Daddy na icheck yung isang resort namin sa Laguna. Hindi pa po kasi ako sanay magdrive" palusot ko na lang. Nakakahiya dahil ako pa talaga ang nagpaalam sa magulang ng boyfriend ko.
"Oh, magtatagal ba kayo dun?"
"Hindi ko po sure" tumango-tango naman siya sa sinabi ko at nag-umpisa nang maghain. Nagtimpla din siya ng gatas para sa kambal. Magana namang kumain yung mga bata.
"Ano, masarap ba?" Nakangiting tanong nya pagkakagat ko sa cookie na hawak ko. Matamis ko siyang nginitian dahil totoong masarap yun.
"Opo! Pwede po bang magbaon nito?"
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...