Chapter 28

103 6 0
                                    

Czarina Eunice's

"Bakit ka nakatingin?" Kunot noong tanong ko kay Jarred. Nabungaran ko siyang nakatitig sakin pagmulat na pagmulat ko pa lang ng mata ko.

"Baka kasi magising ako at mapagtantong panaginip lang ang lahat ng ito" bakas ang pangamba sa mga mata nya.

Lumapit ako sa kanya at mas sumiksik. Agad na ipinalibot naman nya ang mga braso sa akin. Nakahiga pa rin kami sa kama, hindi alintana ang mga kaganapan sa labas.

Para kaming nasa sariling mundo, na ang isa't isa lamang ang mahalaga.

"Natulog ka ba?" Mahinang tanong ko at hinaplos ang mata nyang nangangalumata na naman. Agad na napapikit naman siya.

"Ayokong pumikit. Baka paggising ko, wala ka na naman sa tabi ko" nangilid ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko para kintalan ng halik.

"Jarred"

"Shush, alam kong may hindi ka pa sinasabi sa akin. Hindi kita pipiliting magpaliwanag kung hindi ka pa handa. Maghihintay ako hanggang sa kusa kang bumalik sa akin"

"I don't deserve you" tuluyang tumulo ang mga luha ko. Masyado siyang ideal. Masyado siyang perpekto.

"Don't say that. I love you and even if you are the most imperfect person here on Earth, I'll still choose you over and over again"

"I love you" bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nabigkas ko na ang mga katagang iyon. Lumabas iyon sa bibig ko sa paraang natural.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi nya. Sinapo nya ang mukha ko at agad na siniil ng halik ang labi ko.

Muli kaming nag-isa at wala akong pinagsisisihan sa lahat ng iyon.





"Babe, nakarating ka na dun?" Nakahiga kami sa isang duyan na narito sa likod bahay. Ito ang tambayan ko pag narito ako dahil tanaw na tanaw dito ang lawa. Maraming puno sa paligid kaya mahagin at maraming ring mga ibong nagliliparan sa papawirin.

Masarap sa pakiramdam dahil sa payapang kapaligiran.

"Hindi pa" maikling sabi ko at pumikit. Nakaunan ako sa dibdib ni Jarred habang siya ay hinahaplos ang likod ko.

Naisipan naming lumabas ng kwarto dahil lalo lang kaming mapapagod kung mananatili kami sa loob.

"Tara doon bukas ng umaga. Pwede kayang mamingwit dun?" Tukoy nya sa lawa.

"Bababa ka diyan? Para ka na ring naghiking pag ginawa mo yun" Mahina kong sagot. Antok na antok pa kasi ako at pagod na pagod.

"Mukha namang malapit lang. Sige na, gusto kong pumunta dun!" Pakiramdam ko nakanguso to kaya bahagyang natawa ako.

"Bahala ka" sagot ko na lang para hindi na siya mangulit.

Di ko namalayang tuluyan na pala akong nakatulog.

Nagising na lang akong nasa loob na ng kwarto. Nakasiksik sakin si Jarred at tulog na tulog rin. Mukhang tinalaban na ng pagod.

Madilim na sa labas kaya sigurado akong gabi na. Nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya dahan-dahang tinanggal ko ang braso nya na nakapulupot sa bewang ko. Napangiwi na lang ako dahil ang higpit ng hawak nya. Parang takot na takot mawala ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya habang nakapikit pa. Mukhang antok na antok talaga.

"Sa labas. Magluluto, gutom na ako"

"Di mo ako iiwan?" Nakagat ko ang ibabang labi ko. Isa ito sa mga naging pagbabago nya. Takot na takot siya laging mawala ako sa tabi nya. Akala nya lagi aalis ako at iiwan siya.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon