Chapter 30

124 8 3
                                    

Czarina Eunice's

"Ha?" Di makapaniwalang sambit ni Jarred habang tila pinoproseso ang sinabi ko.

"Ayoko na" nasambit ko na lang kahit na tigmak ang luha sa mga mata ko.

Huminga siya ng malalim at nagtangkang lumapit sa akin kaya inangat ko ang isang kamay ko para patigilin siya.

Nanlaki ang mga mata ko nung hindi siya natinag at hinawakan lang ang kamay ko para hilahin ako at ipaloob sa mga bisig nya.

"What's wrong?" Malambing na bulong nya habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko.

"Pakawalan mo na ako" mahinang sambit ko sapat na para marinig nya.

"Hindi mangyayari yun" inangat nya ang ulo para makaharap ako. Sinapo niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"Now, pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari?" Malumanay nyang tanong. Umiwas ako ng tingin ngunit muli nya akong pinaling sa kanya.

"Babe?" Tawag nyang muli. Huminga ako ng malalim at mariing pumikit.

"W-wala. Pagod lang ako. Sorry" sabi ko na lang.

Naramdaman kong umangat ang katawan ko dahil binuhat nya ako. Ilang sandali pa ay ihiniga nya ako sa kama at hinalikan sa noo.

"Then rest. We'll talk later" malambing na sabi nya.

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila siya para tumabi sa akin. Agad naman nyang ipinalibot ang braso sa bewang ko at hinapit ako para makaunan sa dibdib nya.

"May problema ba?" Malumanay ang boses nya kaya napapapikit ako dahil para akong hinehele.

"Wala. Tinopak lang ako" naramdaman ko namang natawa siya at hinaplos ang buhok ko.

"Tinakot mo ako. Akala ko mawawala ka ulit sa akin" mariing pumikit ako para pigilang mapaluha.

Lord, ano po ang dapat kong gawin?

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kinabukasan, wala na si Jarred sa tabi ko. Naabutan ko siya sa kusina na naghahanda ng almusal. Agad siyang ngumiti nung makita ako.

"Morning, babe. Breakfast?" Alok nya habang lumalapit sa akin. Napapikit ako nung halikan nya ako sa noo.

"Morning. Kailangan kong umuwi ng maaga. Baka hinahanap na ako sa amin" paalam ko pagkaupo sa hapag.

"Sabay na tayo? Uuwi na rin ako sa atin e. Baka doon na lang ako maghanap ng trabaho" Alok nya.

"Hindi na. Nagmamadali ako e" sagot ko at uminom ng kape.

Matiim siyang tumingin sa akin ngunit hindi na nagtanong. Bumuntong hininga na lang siya at tumango..

"Mag-iingat ka" maikling sabi nya. Tahimik na tumango na lang ako.

After naming kumain ay naligo na ako at nag-ayos. May mga damit akong naiwan dito kaya hindi na ako nahirapang humanap ng isusuot pauwi.

"Text mo ako pag nasa bahay ka na ha" sabi nya noong nagpaalam ako. Yumakap naman ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"Opo. Ingat ka din pauwi mamaya" matapos kong sabihin yun ay sinapo nya ang mukha ko at kinintalan ako ng halik sa labi.

Napapikit na lang ako, nagpaubaya at hinayaan siyang gawin ang gusto.




Habang nasa byahe ay abot-abot ang kaba ko. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Daddy at kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.

Makalipas ng ilang sandali ay narating ko ang bahay. Agad kong nabungaran si Daddy sa may lanai at pinapaarawan si Sarina.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon