Chapter 49

198 10 0
                                    

Czarina Eunice's

"Thanks Honey .. love you too" naalimpungatan ako nung narinig ko ang bulong ni Jarred sa tabi ko.

Agad na nag-init ang ulo ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya nung narinig ko ang sinabi nya sa kausap sa kabilang linya.

Bwisit na lalaking to! May panliligaw pang nalalaman para daw makuha ang tiwala ko, may ka-i love you-han namang iba!

Ipinalibot ko ang kumot sa hubad na katawan para sana umalis na lang nang maramdaman ko ang matikas na bisig na siyang pumalibot sa katawan ko. Ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sariling nasa ilalim na muli ni Jarred.

"Good morning, wife!" Nakangising bati nya sabay yumuko para sana humalik kaya lang umiwas ako kaya sa leeg ko napunta ang labi nya.

Napasinghap ako nung naramdaman ko ang marahan niyang pagsipsip doon! Napaka scam talaga ng lalaking to! Samantalang sabi sa'kin kagabi, wala daw siyang gagawing iba.

"Bitaw, Sandrino!" Inis na sabi ko habang tinutulak siya paalis sa ibabaw ko.

"Hmm .. bakit mainit na naman ang ulo ng asawa ko?" Malandi este malambing na bulong nya sa tenga ko kaya parang nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok.

"Bitaw nga kasi! Aasikasuhin ko pa si Sabrina. May pasok yung bata"

"Naasikaso na siya ni Honey kanina and .. babe, 8 am na. Naihatid na siya sa school" tatawa-tawang sabi nya kaya lalong nag-init ang ulo ko. Leche! Pati sa anak ko, atribida pa rin yung babaeng yun!

"Walanghiya ka! Bakit mo ipinapaasikaso sa iba ang anak ko?!" Mangiyak ngiyak na sabi ko habang pilit na hinahampas siya. Ngayon pa lang ako bumabawi sa anak ko. Baka isipin nyang ayaw ko talaga sa kanya kaya ibang tao ang gumagawa ng mga bagay na dapat ako ang gumagawa.

"Shush .. why are you crying?" Takang tanong nya.

Umiwas ako ng tingin at pilit pa rin siyang itinutulak "Bitaw, Jarred! Pupuntahan ko yung anak ko"

Umalis siya sa pagkakadagan sa akin ngunit mas hinapit ako palapit sa kanya. Sumiksik siya sa leeg ko ay masuyong humalik doon. "May date tayo, remember?"

"Pero si Sabrina .." ayokong tuluyang lumayo ang loob sa akin ng anak ko. Hindi na nga siya lumaki sa akin tapos ganito pang hindi ko magampanan ang tungkulin ko.

"Shush. Don't worry about her. Hindi naman siya pababayaan ni Honey"

"Yun na nga e! Bakit yung babaeng yung ang kasama nya?! Ano mo ba talaga yung babaeng yun?! Hindi lang ikaw ang inaagaw nya sa akin, pati na rin ang anak ko!" Ang hirap naman kasing pigilan ng selos. Ang hirap kalaban ng utak ko na kung ano-anong scenario ang naiisip.

Umalis siya sa pagkakasiksik sa akin at matamang tinitigan ako. Hinaplos nya ang pisngi ko at pinahid ang luha ko. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin. Baka magalit na kasi siya sa akin dahil nagseselos na naman ako. "You're jealous again"

Hindi na ako nagsalita at tatalikuran na sana siya nang hapitin nya ako para paunanin sa dibdib nya.

"Pakinggan mo yung tibok ng puso ko" dahil sa sinabi nya ay ipinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang mabilis na tibok ng puso nya. Naramdaman kong hinaplos haplos niya ang likod ko at inayos ang buhok ko. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko kaya lalo akong naluha.

"Ikaw lang ang nakakagawa sa akin niyan. Ikaw lang ang may kayang magpabilis ng tibok niyan, mula noon hanggang ngayon" tuluyang yumakap ako sa bewang nya at mas sumiksik sa dibdib nya. Bakit nga naman ako magseselos, ako ang legal na asawa!

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon