Chapter 47

143 8 0
                                    

Czarina Eunice's

"C-court? As in ligaw?" Nanlalaki ang mga mata niya habang tinatanong yun. Natatawang lumuhod ako sa harap nya para makapantay ko ang mukha nya.

"Yes, babe. You said that maybe my love for you is shallow --"

"But you don't need to --"

"Pero gusto kong patunay --"

"I don't care! Ako ang manliligaw u--"

"Nope! Hindi porket babae ako --"

"That's not what --"

"Enough! Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa" bumaling ang matalim kong tingin sa babaeng nakaupo sa swivel chair. Nakasimangot siya habang hinihilot ang sintido nya.

"Di ka kasali dito" inis na sabi ko. Inirapan lang nya ako kaya lalong uminit ang ulo ko.

Naramdaman kong inalalayan ako ni Jarred na makatayo tapos ay pinagpagan ang bandang tuhod ko.

"Honey, pwede bang iwan mo muna kami?" Bumalik ang matalim na tingin ko kay Jarred dahil sa lambing ng boses nya habang kinakausap yung babae.

"Talagang aalis na ako. Wala akong panahong makisali sa fill in the blanks nyo!" Inis na tumayo siya at naglakad palapit sa amin. Ngumisi siya nung nagkapantay ang mga mukha namin. Inirapan ko siya pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nung bigla siyang lumapit kay Jarred at humalik sa pisngi nito.

"Lumayo ka sa asawa ko!" Gigil na asik ko sa kanya. Kumindat lang siya sa akin at saka tuluyang lumabas ng opisina.

Naiiyak na pinulot ko ang bag ko at tumalikod na rin kay Jarred para umalis. Napatigil lang ako nung hinawakan nya ako sa braso.

"Saan ka pupunta?" Narinig kong tanong nya pero hindi ako lumingon. Ayokong makita nyang umiiyak at nasasaktan na naman ako.

"Babe"

"Don't call me that"

Narinig kong bumuntong hininga siya at ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya. Nanatili akong nakatungo kaya sinapo nya ang mukha ko para piliting tumingin sa kanya.

"Look at me"

"Don't wanna" nakangusong sabi ko habang nakatingin sa may pinto para lang maiwasan ko ang tingin nya.

"Alam mo bang namana ni Sabrina yang pagtatantrums mo?" Lalo lang ako napasimangot sa sinabi nya. Narinig kong natawa siya at hinapit ako para yakapin.

"Bitaw! Dun ka na sa babae mo"

"Wala akong babae"

"Yung pulot mo!" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya lalo akong nainis.

"Anong pulot?"

"Yung Honey mo!" Sigaw ko at pilit siyang tinutulak palayo. At dahil mas malaki siya sa akin ay hindi man lang siya natinag at siniksik pa ang mukha sa leeg ko.

"Pinamimigay mo ako? Akala ko ba liligawan mo ako?"

"Nagbago na ang isip ko. Maghahanap na lang ako ng foreign --"

Doon siya umalis sa pagkakasiksik sa leeg ko at masama akong tiningnan. "Don't you dare!"

"Bakit? Ikaw lang ang pwedeng mambabae?!" Singhal ko. Bumuntong hininga lang siya at naupo sa couch na naroon din sa loob ng opisina.

"Hindi pa rin buo ang tiwala mo sa akin" malungkot na sabi nya habang nakatungo. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi nya.

Dahan-dahang lumapit ako at umupo sa tabi nya.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon