Chapter 16

106 8 4
                                    

Czarina Eunice's

"Ayy, wala bang tubig sa inyo kaya yung pabango ang pinaligo mo? Saka nangudngod ba sa azuete yang nguso mo, ang pula e" pang-aasar sakin ni Cala nung makita ako. Inirapan ko lang sya at pabalyang umupo sa tabi nya. Narito kami sa study area dahil wala pang klase.

Kagabi, matapos kong ngumawa nang ngumawa sa kwarto, naisipan kong siguro okay na ring naghiwalay na kami ni Jarred. Hindi na kasi katulad ng dati e. Simula kasi nung nagcollege kami, parang ang daming nagbago. Siguro, blessing in disguise na rin yung nangyaring break up para hindi na kami mas masaktan pa sa future.

Nasasaktan ako oo, pero sabi nga ni Mommy, dapat hindi ko yun ipakita sa iba. Dapat strong ako. Break up lang yan, maraming boys pa sa paligid.

Gaya nung chinito na naka-jersey over there, ang pogi at ang galing nyang mag-ikot ikot ng bola sa daliri nya! Kilig na kilig na binaling ko naman ang tingin ko sa kaliwa, ayy yung matangkad na moreno dun sa may building ng mga Crim, mukhang yummy din!

See?! Ang daming boys sa paligid! Hindi iikot ang mundo ko kay Axel Jarred Archangel Sandrino!

Natigil ang mga kung ano-anong lumot na pumapasok sa isip ko nung nakita ko si Jarred na dumaan sa harapan namin ni Cala. Ang presko ng hitsura nya. Ang liwanag din ng mukha nya at may tipid na ngiti sa labi.

Napabuntong hininga na lang ako. Instantly, nawala ang paki ko sa chinito na naka-jersey at moreno na yummy na nakita ko kanina.

"Ayy, ang suplado naman ni Jarred. Di man lang lumapit dito nung kinawayan ko" nakangusong sabi ni Cala.

"Halika na nga sa room! Ang init na dito" inis na sabi ko kay Cala at tumayo na. Takang sumunod naman sya sakin.

Bakit ganun si Jarred?! Nakamove-on na ba sya sakin?!

Nung lunch break ay kinuwento ko kay Cala na break na kami ng pinsan ng jowa nya. Pinilit kong maging matatag habang nagsasalita kanina kahit na ang totoo ay gusto kong magtatakbo pauwi sa bahay at magkulong sa kwarto.




Pinilit kong umakto ng matatag at hindi affected kahit na ang totoo ay umiiyak pa rin ako gabi gabi sa kwarto. Isang buwan na mula nung naghiwalay kami pero hindi pa rin ako nakakausad.


Ilang beses akong nakaw tingin sa kanya lalo na pag may mga event tapos sumasayaw sila. Naiinis pa rin ako pag nakikita ko syang nakikipagtawanan sa mga babae pero syempre, sa isip ko na lang sila minamurder dahil wala na naman akong karapatan.




Acquaintance party ngayon para sa mga freshies. Hindi ako excited pero required na pumunta. Bakit kasi may paganito pa, late na masyado e. Ilang beses din kasing na-postponed ito dahil sa mga activities sa school at ilang mga bagyo. Ngayon lang na-ipush kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod.

Bukas sembreak na namin tapos pagpasok namin, second sem na and so far, wala pa din akong najojowa. Nakakainis. Samantalang si Cala, ilan na naman ang nabasted. Swerte ni Nico dito, masyadong loyal.

"Nguso mo, nanunulis na naman" natatawang sabi sakin ni Cala. Nakaupo lang kami dito sa may gilid at kumakain. Buti na lang talaga, may mga foods. Di na masama.

"Bored na ko e" tamad na tamad na sabi ko. Nilingon ko ang kasama ko, kanina pa sya hagikhik nang hagikhik habang busy sa phone nya. Mukhang nagbobolahan na naman silang magjowa. Nakakainggit.

Maraming yumayang sumayaw kay Cala pero magalang nyang tinatanggihan ang mga yun. Sinubukan kong ngumiti dahil baka may magyaya din sakin pero wala talaga. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ano ba naman yan, paano ako makakalandi ng lagay na to?!

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon