Chapter 38

127 9 0
                                    

Czarina Eunice's

"Happy first birthday, Aris" nakangiting bati ko sa anak ni Cala. Napakagwapong bata.

"Gustong sumama sayo. Buhatin mo" udyok sa akin ni Cala kaya alanganing kinuha ko ang bata. Agad naman itong yumapos sa leeg ko.

Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng luha sa mga mata ko. Kung kasama ko lang sana ang anak ko, magkasinglaki na sila. Bale, matanda lang ang baby ko ng isang buwan kay Aris.

Hinawakan ko ang kamay ni Aris at hinalikan yun. Mahal na mahal namin ang batang ito dahil milagro ang nangyari sa kanilang mag-ina. Hindi sila pinabayaan ng Diyos habang nasa bingit sila ng kamatayan.

"Napapano ka?" Nagtatakang tanong sa akin ni Cala pero nginisihan ko lang siya. Hindi pa kasi ako handang magkwento sa kanila.

Nahihiya ako at ayoko nang makadagdag sa mga inaalala nila.

"Parang tanga tong babaeng to. Bakit nga?" Pangungulit pa sa akin ni Cala. Pinupog ko naman ng halik si Aris sa pisngi kahit na medyo naiinis ako. Kamukha kasi ng ama, so therefore, may hawig din kay Jarred since magpinsan sila ng ama ng batang to.

"Nakakaiyak kasi ang gastos ko. Ang mahal ng regalo ko kay Aris" biro ko na lang sa kanya. Ako na kasi ang sumagot ng venue ng party ni Aris. Yung mga bagay na hindi ko nagagawa sa anak ko, ginagawa ko na lang sa inaanak ko. Umirap naman si Cala at tinalikuran na ako para asikasuhin ang ibang bisita.

"Baby, bakit naman sa lahi pa ng mga gagong yun ka nagmana ng mukha?" Pagkausap ko sa bata. Ngumisi lang ito at humagikhik kaya natawa na rin ako.

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya. Sino kayang kamukha ng anak ko? May namana man lang ba siya sa akin? Kamusta na kaya siya?

"Da - da!" Napapitlag ako nung biglang naglikot si Aris sa bisig ko. Dumaan kasi si Charles kaya tuwang-tuwa ang bata.

Nakangiting lumapit naman amin si Charles at kinuha sa akin si Aris. Agad namang sumiksik ang bata sa leeg nya na parang yun talaga ang tatay nya.

"Instant Dada ka ngayon ah" biro ko sa lalaki. Actually, malaki ang pasasalamat ko sa taong ito dahil naging mabuting kaibigan siya sa bestfriend ko lalo na nung mga panahong malayo ako.

"Masarap namang alagaan si Aris" sagot nya habang nakangiti.

"Bakit ba hindi mo na lang ligawan si Cala? Single naman yun dahil missing in action na naman ang walanghiyang --" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla na lang ngumawa ng pagkalakas lakas ang bata na wari mo'y kinawawa. Lahat tuloy ng bisita, napatingin sa gawi namin.

"Loyal sa ama. Wag mo daw kasing awayin ang Daddy nya" natatawang sabi ni Charles habang pinapatahan ang bata. Masama ang tingin nito sa akin na parang naintindihan ang sinabi ko tungkol sa tunay na ama nya.

"Whatever. Wag na sanang magpakita yang Nicholas na yan kay Cala dahil ipapasalvage ko na talaga yun" napangiwi ako nang muli na namang umiyak si Aris kaya tatawa-tawang tinalikuran na ako ni Charles para ilayo sa akin ang bata. Napairap na lang ako at pabagsak na umupo sa upuan ko.

Hanggang ngayon, bwisit pa rin talaga sa buhay ko yung lahi ng magpinsang yun!

Pero don't get me wrong, love na love ko ang inaanak kong napakagwapo!

-



"Morning, Cza" matamlay na bati sa akin ni Zach nang makapasok siya sa opisina ko. Pabagsak siyang naupo sa couch at pumikit. Mukha siyang zombie dahil ang laki ng eyebags nya.

"Natutulog ka pa ba?" Natatawang tanong ko. Umungol lang siya at niluwagan ang suot na necktie habang nananatiling nakapikit.

"Umuwi ka na sa condo mo, Zacharius. Hindi tulugan ang opisina ko. Marami pa akong gagawin" sermon ko sa kanya pero nanatili lang siya sa pwesto nya kaya hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagtatrabaho.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon