Czarina Eunice's
Napapitlag ako nang muling nag-ring ang phone ko. Nakita kong si Jarred ang tumatawag kaya agad ko iyong sinagot.
"Babe? Nabalitaan mo ang nangyari kay Cala?" At muling bumalik ang kaba sa dibdib ko nang maalala ang bestfriend ko.
"Yeah. Pupuntahan ko siya ngayon"
"Susunduin na lang kita. Malapit na ako sa village nyo"
"Sige" sagot ko na lang bago nya ibinaba ang tawag. Muli akong bumaling sa kwarto nina Daddy. Rinig na rinig ang iyak ni Tita Frances at sinasabayan pa yun ng pag-iyak ni Sarina.
Gusto kong pumasok doon. Gusto kong tanungin si Daddy dahil gulong-gulo na ako. Ano ba talaga ang kwento nila noon? Bakit wala akong alam? At bakit nadadamay kami ngayon?
Nagulat ako nung muling tumunog ang phone ko. Nasa may gate na daw si Jarred kaya nagmamadaling bumaba na ako. Bukas ko na kukomprontahin si Daddy. Kailangan ako ni Cala.
"Are you okay?" Agad na tanong ni Jarred pagkasakay ko ng sasakyan. Tumango lang ako kaya hindi na siya nagsalita at nagfocus na lang sa pagmamaneho.
Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.
Kinapa ko ang tiyan ko at palihim na kinausap ang baby ko. Hindi ko pa rin nasasabi ito kay Jarred dahil humahanap pa ako ng tyempo.
Pagdating namin ng ospital ay agad na hinawakan ni Jarred ang kamay ko ng mahigpit. Dumeretso kami ng OR dahil nandoon daw si Cala. Nandoon na ang iba pa naming mga kaibigan. Sabay-sabay kaming nanalangin para sa paggaling ni Cala.
Pasado alas tres ng madaling araw ay nagpasya kaming umuwi muna. Mananatili si Cala sa ICU dahil sa kalagayan nya. Babalik na lang kami bukas.
"Babe? Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Jarred nung napatigil ako sa paglalakad. Bigla kasing sumakit ng tiyan ko.
Umiling ako para sabihing okay lang ako nang bigla akong binuhat ni Jarred at itinakbo kung saan.
Muling sumakit ang tiyan ko kaya napaigik ako lalo.
"J-jarred ang baby natin" nanghihinang sabi ko. Narinig ko namang napamura siya at mas binilisan ang lakad hanggang sa makarating kami ng ER. Buti na lang hindi pa kami tuluyang nakakalabas ng ospital.
"Nurse, dinudugo ang misis ko" narinig kong sabi ni Jarred at ilang sandali pa ay ihiniga nya ako sa gurney. Naging maagap naman ang doktor ngunit hindi ko na naintindihan ang nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
Kinabukasan, nasa nagising akong nasa isang private room na. Si Jarred ay nakayukyok sa may gilid ko kaya hinaplos ko ang buhok nya para gisingin siya.
Agad naman siyang nagmulat ng mata at hinawakan ang kamay ko.
"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nya. Umiling lang ako.
"A-ang baby?" Huminga siya ng malalim at pinisil ang kamay ko.
"She's safe. Thanks God" doon lang ako nakahinga ng maluwag.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Seryosong tanong nya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.
"I'm sorry"
"Eunice naman, muntik na kayong mapahamak" parang inis na inis na sabi nya kaya napaiyak ako.
"Sorry na. Humahanap lang naman ako ng timing e" hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Nagagalit kasi siya sa akin.
Napatingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko namang umupo siya sa gilid ko at hinaplos ang buhok ko. Naramdaman ko rin ang labi nya sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
قصص عامة'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...