Chapter 8

96 9 2
                                    

Czarina Eunice's

"Tingnan mo tong lalaking to, kung makahawak dun sa partner nya, ang sarap putulan ng kamay" inis na inis na sabi ko habang nakatingin sa grupo nina Jarred na nagpapractice ng sayaw.

"Malamang, Bes. Polka sa Nayon yung sinasayaw nila malamang may hawakan ng kamay na mangyayari" naiiling na sabi ni Cala habang natatawa pa.

"Naiinis lang ako" nakangusong sabi ko.

"Ang selosa ha. Hindi healthy yan" natatawa pa ring sabi ng kaibigan ko.

Sa ilang buwang relasyon namin ni Jarred ay napakapasensyoso nya kahit na minsan ay wala ako sa lugar kung magalit. Ewan ko ba, naiinis ako kahit na sa maliliit na mga bagay lang.

"Masama bang ingatan ko lang yung sakin?"

"Ingatan saan?" Takang tanong nya. Ewan ko ba, natatakot kasi akong tumulad si Jarred kay Daddy. Baka pag nakakilala sya ng iba, iwan na rin nya ako.

"Ayoko lang na mawala sya sakin. Sya na lang yung kakampi ko"

"Ewan ko sa inyo. Wala akong alam sa mga ganyan. Bahala kayo dyan" inis na sabi nya at bumalik na sa dinodrawing nya.

Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa direksyon nila. Mas lalo lang akong nainis nung makitang magkaharap na sila nung partner nya tapos nakahawak pa sya sa bewang nung babae, yung babae naman nasa may balikat nya ang kamay. Tapos yung kabila naman nilang kamay ay nanatiling magkahawak. Bakit ba kasi napili pa sya nung head teacher ng MAPEH na sumayaw? Lalaban sila sa district kaya todo practice sila.

Maghapon ata akong badtrip dahil dun. Inaasar pa ako ni Cala pero wala talaga ako sa mood. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Hindi naman ako ganito dati e.

"Hi babe!" Nakangiting bati sakin ni Jarred. As usual, narito na naman sya sa tapat ng room namin. Hindi na nya suot ang blazer nya at wala na rin yung necktie nya. Bukas pa yung dalawang butones ng polo nya at pawis na pawis pa sya. Siguro ay katatapos lang ng practice nila. Pero kahit ganun, ang bango pa rin nya. At dahil naiinis pa rin ako, dedma na lang.

"Ano? Tapos ka nang makipagtawanan sa partner mo kanina?" Inis na tanong ko kaya natigilan sya. Bumuntong hininga lang sya at napakamot sa noo nya.

"Ano na naman po yun?" Malumanay na tanong nya pero inirapan ko lang sya.

"Dun ka na lang sa partner mo. Mas bagay naman kayo" inis na sabi ko at tinalikuran ko na sya. Narinig ko pang tinatawag ako ni Cala pero hindi na ako lumingon.

"Eunice sandali. Wala naman akong ginagawang masama ah. Bakit ba nagkakaganyan ka na naman?" Parang nawawalan na rin ng pasensyang sabi nya.

"So nagagalit ka na ngayon? Bahala ka sa buhay mo. Magalit ka kung gusto mo" deretso pa rin ang lakad ko habang nakasunod sya. Wala akong pakialam sa mga nakatingin basta nababadtrip ako.

"Eunice, pagod ako maghapon sa practice namin tapos ganito? Wala naman akong ginagawang masama" nakarating kami sa lugar kung saan ako laging sinusundo ni Kuya Mon pero wala pa sya kaya wala akong nagawa kundi ang maghintay..

"Sinabi ko bang sumali ka sa lecheng dance contest na yan?!" Singhal ko sa kanya. Namewang lang sya at pumikit. Bumuntong hininga sya at tumingin sa langit parang kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang gilid ng mata ko at parang may gustong tumulong luha mula doon.

"Babe, sumali ako dun dahil sayang yung incentives hindi dahil sa kung ano ang naiisip mo. Sumali ako dun dahil makakatulong yun sa grades ko" malumanay na sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin. Kinagat ko na lang yung ibabang labi ko para pigilin ang sariling magsalita.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon