Chapter 48

167 11 0
                                    

Czarina Eunice's

"Yuck! Mga hindi pa makamove on sa mga ex nila" nakangising asar ni Hans sa mga kaibigan nya habang busy sila sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan.

Birthday ngayon ni Jarred at nag-organized ako ng isang simpleng party para sa kanya. Noon ay sapat na sa amin ang magfoodtrip lang sa night market pag may sine-celebrate kami kaya ngayon ay gusto ko man lang siyang handugan ng isang surpresa.

Narito kami sa malawak na hardin ng mansyon ni Jarred ngayon at nagpresinta talaga itong mga kulto nya na tumulong sa pagsurpresa sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang dahilan nila at tinatawag nilang Master si Jarred.

"Makapagsalita ka naman. Palibhasa walang nagtatagal sayo" nakasimangot na tirada ni Miguel kaya napailing na lang ako.

Kanina pa sila nag-aasaran at nagbabangayan na kala mo'y mga bata. Parang gaya lang noon.

"Hindi ko pa lang talaga nakikita yung magpapatiklop sa akin"

"Kasi ang panget mo!" Sabat pa ni Lynard.

"Tigilan nyo na nga yan! Parating na si Master. Para kayong mga bata" saway sa kanila ni Jerick na seryoso sa pagkalikot ng sound system.

"Kakapanibago ka naman, Jerick. Para kang others" nakangusong sabi na ngayon si Hans habang nag-i-skirting. Hindi ko akalaing marunong sya noon.

"Bilis-bilisan mo diyan, Honesto. Ang dami mong arte" singit ko na sa kanila. Kakamot kamot naman sa ulong inirapan ako ni Hans.

"Parang di naman tayo friends nyan, Madam" nakangusong sabi nya. Isa pa yun, ang tawag nila sa akin ay Madam na hindi ko rin alam kung bakit.

"Che! May kasalanan ka pa sa akin!" Kanina ko pa siya binatukan para dun sa hikaw na binigay nya at dun sa hindi niya pagsasabi sa akin ng mga nalalaman niya.

"Sorry na, Madam. Ayaw ko lang naman kasing pangunahan si Master kaya hindi ako nagsalita noon" depensa nya. Sa totoo lang, hindi naman ako galit sa kanya. Malaki pa nga ang pasasalamat ko dahil hindi nila iniwan si Jarred noon. Ikinuwento kasi sa akin ni Jarred ang ginawa ng mga pasaway na ito para sa kanilang mag-ama noon. Lalo na nung may nanloob sa rest house.

"Czarina Eunice!" Napalingon ako sa likuran ko nung narinig ko ang boses ni Cala. Nakangiting lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Medyo halata na ang baby bump nya ngayon.

Noong kinuwento ko sa mga kaibigan ko ang tungkol kay Sabrina ay nakatanggap ako ng sabunot sa una pero sunod naman nun ay mahigpit na yakap mula sa kanila. Wala akong narinig na panghuhusga bagkus ay humanga pa daw sila sa tapang ko.

Lahat naman kami ay matapang sa kanya-kanyang pamamaraan. Lahat kami ay dumaan sa pagsubok at lumaban para makamit ang kaligayahan namin ngayon.

"Hi Ninang! Where's Riri?" Tanong ni Aris sa akin pagkatapos magbless.

"She's inside. Puntahan mo na lang siya doon" ngumiti ang bata sa akin at pagkatapos ay nagtatakbo na papunta sa loob para kulitin ang pinsan nya sa talampakan -- sabi ni Jarred.

"Nandiyan na yung mga pagkain" nakangiting sabi ni Cala. Sa resto kasi ni Nico ako umorder ng mga pagkain.

"Awts Miguel" narinig ko pa ang pang-aasar ni Lynard kay Miguel kaya natawa ako.

"Gago! Magsitahimik kayo kung ayaw nyong matutukan ng balisong" saway sa kanila ni Hans habang nakatingin na ngayon kay Nico na nag-aayos ng mga pagkain sa buffet table.

"Anong pinag-uusapan ng mga kumag na yan?" Takang tanong sa akin ni Cala.

"Wala. Mga sabog lang yan" natatawang sagot ko na lang at saka inalalayan siya papunta sa isang table.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon