Axel Jarred's
Part 1
"Axel! Iiwan mo na ako. Nakakainis ka naman e" umiiyak na sabi sa akin ng kababata kong si Athena habang nakayakap sa akin.
Kahapon ay graduation namin at ngayon nga ay nakatakdang umalis kami rito sa Masbate at sa ibang lugar na ako mag-hahighschool. Nakabili na kasi doon ng bahay sina Daddy at madali daw ang buhay sa lilipatan namin.
Pag dito kasi ay kailangan ko pang sumakay ng bangka araw-araw para makapasok sa school. Malayo kasi ang school dito ng high school.
"Wag kang mag-alala, Teng. Dadalaw naman ako pag may pagkakataon" alo ko sa kanya habang hinahaplos ang likod nya. Magkapatid ang turingan namin dahil halos kambal na kami. Isang buwan lang naman ang tanda ko sa kanya.
"Wag mo akong kakalimutan ha. Wag kang magbebestfriend ng iba" nakanguso pa rin siya kaya inipit ko ang nguso nya gamit ang hinlalaki at hintuturo ko. Sinamaan nya ako ng tingin kaya lalo ko siyang tinawanan.
"Bwitaw!"
"Ha?" Pang-aasar ko pa. Tinadyakan naman nya ako kaya nabitawan ko rin siya. Pulang pula tuloy ang nguso nya.
"Promise ha, ako lang ang bestfriend mo na babae" ulit pa nya. Tumango na lang ako at ang matambok na pisngi naman nya ang pinisil ko.
"Ikaw naman, wag kang magboboyfriend agad. Di ka pa nireregla" biro ko sa kanya. Nakatikim naman ako ng hampas kaya napangiwi ako. Ang bigat talaga ng kamay.
"Napakabastos mo talaga. Kaya na-turn off sayo si Faye e" nginisihan ko lang siya.
"Sinong may sabi sayo? Kakatext lang nya sa akin kagabi" umirap lang siya at lumayo na sa akin.
"Babaero. Kakaawa magiging girlfriend mo" inis na sabi nya.
"Pag nakita ko na yung katapat ko, hindi na ako titingin sa iba"
"Jusko po. Ipagdadasal kong pahirapan ka sana nya. Kung sino man siya. At pag nangyari yun, siya na ang best friend ko"
"Balimbing!" Asik ko sa kanya. Binelatan naman nya ako.
Binato ko siya ng kalumpit na kinakain namin kaya inis na inis na hinabol nya ako. Si Athena lang ang nakakausap ko ng matino dito at siya lang ang nagttyaga sa kawalanghiyaan ko.
Yung halos isuka na ako ng mga teachers namin, pero siya pinagtatanggol at pinagtatakpan pa rin ako.
Humahanga ako kay Athena dahil parang nasa kanya na ang lahat. Napakaganda, matalino at napakabuti ng puso pero ayoko siyang saktan kaya sinarili ko na lang ang nararamdaman ko.
Mas deserve ni Athena ang matinong lalaki at alam kong hindi ako yun. Sapat nang magkapatid na lang kaming dalawa.
Nung napagod na kami sa pagtakbo ay magkatabi kaming humiga sa papag na yari sa kawayan. Nasa lilim yun ng puno ng mangga. Ito ang tambayan namin lagi.
"Basta Teng, wag mong pababayaan ang sarili mo ha" bilin ko sa kanya.
"Opo, Kuya!" Tatawa-tawang sabi nya kaya napailing na lang ako.
"Wag ka na ngang magsuot ng maiiksing palda at bestida. Dalaga ka na kaya. Saka ayusin mo lagi ang upo mo para hindi ka masilipan" sermon ko sa kanya. Natigilan naman siya at umayos ng upo.
"Wag ka ring lalapit sa kahit na sinong lalaki lalo na pag hindi mo kilala. Pag may humawak sayo, tadyakan mo agad" tuloy ko pa. Natigil lang ako sa paglilitanya nang bigla siyang umiyak at yumapos sa akin.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
Aktuelle Literatur'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...