Epilogue

323 12 1
                                    

Axel Jarred's

"JARRED!!" Napabalikwas ako ng bangon nung narinig ko ang matinis na sigaw ni Eunice. Dali-daling lumabas ako ng kwarto at hinanap siya.

Agad ko siyang natagpuan sa backyard ng rest house at prenteng nakaupo sa duyan na naroon habang kumakain ng avocado.

Nag-aalalang lumapit ako sa kanya at chineck kung may sugat o kung may masakit ba sa kanya "Babe? Anong nangyari? May masakit ba sayo?"

Napakunot ang noo ko nung narinig ko ang hagikhik nya habang hinihimas ang may kalakihang tiyan.

Kunot noong hinarap ko siya. "Bakit ka sumigaw? Akala ko kung ano nang nangyari sayo" medyo mataas ang tono ng boses ko dahil kinakabahan talaga ako. Baka kung napano na kasi siya.

Agad akong nataranta nung napanguso siya at nangilid ang luha.

"I hate you!" Singhal niya sa akin sabay ng tangkang pagtayo sa duyan pero pinigilan ko siya. Bumuntong hininga ako at bahagyang inangat siya para makaupo din ako. Kalong ko na tuloy siya ngayon pero nakatalikod naman siya sa akin.

Manang mana talaga si Sabrina sa kanya pag nagta-trantums.

"Babe? Look at me" lambing ko habang inaabot at hinahaplos ang tiyan nya. Ilang buwan na lang kase, makakasama na natin ang bago naming anghel. Ang laki nga ng pasasalamat ko ng sa wakas ay nakalalaki naman ako. Pati sina Daddy at Dad ay masaya na magkaroon ng lalaking apo.

"Ayoko. Ang pangit mo!" Inis na inis na sabi nya at pilit umaalis sa kandungan ko pero hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Natatawang hinalikan ko siya sa batok kaya napaigtad siya at hinampas ako.

"Bakit ka ba kasi sumigaw kanina?" Malumanay pa rin ang pagtatanong ko. Simula kasi nung nabuntis siya ulit, ayaw nya ng pinagtataasan ng boses. Minsan nga sa isip-isip ko, mas sensitive pa sya kesa kay Sabrina.

"Makati yung paa ko. Hindi ko naman maabot para kamutin kasi malaki yung tiyan ko" nakangusong sabi nya kaya natatawang napailing na lang ako.

Sa totoo lang, wala pa akong tulog na matino dahil may pinag-aaralan akong software na gagamitin para sa bagong invent namin ni Honey na robot. Tapos kagabi, habang sobrang busy ko ay naglambing pa itong magandang asawa ko na magpahele. Hindi daw kasi makatulog kaya kahit nasa kalagitnaan ako ng trabaho, itinabi ko yun para lang patulugin ang asawa kong sinusumpong.

Inayos ko ang upo nya at dahan-dahang bumaba sa duyan. Lumuhod ako sa harapan nya para lang kamutin ang paa nya. Namumula nga iyon at parang may maliliit na pantal. Siguro kinagat ng langgam.

"Makati pa ba?" Nakangusong umiling naman siya at nag-iwas ng tingin. Natatawang sinapo ko ang mukha nya at hinalikan ang tungki ng ilong.

"Maligo ka na. Kailangan na nating umuwi dahil baka si Sabrina naman ang sumpungin doon sa bahay nina Mommy. Mahirap pa namang amuin yun" sa Quezon Province pa rin kami naninirahan dahil sa pag-aaral ni Sabrina at dahil na rin sa trabaho ko. Malapit kasi yun sa company namin.

Naglambing lang itong asawa ko na dumalaw daw kami dito sa rest house kahit dalawang araw lang. Sino ba naman ako para tumanggi?

Namimiss nya daw kasi ang masarap na simoy ng hangin kaya hinabilin muna namin si Sabrina kina Mommy. May pasok kasi ito at ayaw na ayaw naman umabsent kaya hindi namin nakasama.

Agad naman siyang tumalima nung narinig ang pangalan ng anak namin. Alam ko namang miss na rin nya ang bata dahil wala atang oras na hindi sila magka-usap sa video call.

"Babe?" Napatingin ako sa kanya nung tawagin nya ako.

"Po?"

"Sobra na ba ako? Pabigat na ba ako?" Seryoso tanong nya. May nababasa rin akong guilt sa mga mata nya.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon