Chapter 13

96 6 0
                                    

Czarina Eunice's

"Adik ka ba?!"

Sigaw ko sa kanya. Anong sinasabi ng batang to? Ngumisi lang sya nagtangkang lumapit sakin. Tumayo naman ako at agad na lumayo sa kanya.

"Lulunurin kita sa sapa pag lumapit ka sakin!" Pinanlakihan ko sya ng mata pero parang binalewala lang nya ang sinabi ko. Naiiling na tumayo din sya at tumapat sakin.

"Sa tingin mo, bakit ka pinilit sumama dito ng daddy mo?" Nakangising tanong pa rin nya.

"Para magbakasyon!" Umiling iling lang sya at tinapik ang balikat ko. Pinalis ko naman ang kamay nya.

"Mali. Plano nila to para magkalapit tayo" parang wala lang na sabi nya.

"Ano bang sinasabi mo? Saka pwede ba, wag mo akong pagtripan!"

"Hindi kita pinagtitripan. Narinig ko yung usapan nina Daddy at ng Daddy mo kaya ko nalaman" tinitigan ko sya sa mga mata. Seryoso na ang mukha nya at wala ng bakas ng pang-aasar doon.

"Pero hindi pwede. Ayoko" mahinang sabi ko. Natawa naman sya at namulsa.

"Para namang gusto ko ring magpakasal sayo" sinamaan ko sya ng tingin. Ayokong magpakasal sa kanya pero na-offend ako dun. Alam ko namang hindi ako kagandahan, ipagduldulan pa ba?

"Lalo namang ayoko sayo! Ang bata mo pa, tuli ka na ba?!"

"Gusto mong makita?" Nanlaki ang mga mata ko nung hinawakan nya ang belt ng pantalon nya.

"Bastos!" Sigaw ko at sinabunutan ulit sya.

"Bitaw! Para namang papakita ko sayo to, baka pikutin mo pa ako"

"Gago!" Nakakapikon na ang lalaking to ah!

Tumawa lang sya at umiling-iling.

"Relax, di pa naman yun sa ngayon.. makakasuhan ka pa ng child abuse" inirapan ko lang sya.

"Excuse me?! Minor pa lang din ako" umiling lang sya at bumalik na sa dati nyang pwesto. Bumuntong hininga lang ako at phone na lang ang pinagka-abalahan..

Napasimangot na lang ako nung wala man lang text mula kay Jarred. Ganun ba sya kabusy? Samantalang dati, kahit katatapos lang naming mag-usap, tinatadtad nya pa rin ako ng text, ngayon wala man lang kahit isa.

Saka bakit naiinis ako na magkasama sila nung Athena na yun?

"Tapos na ba ang usapan nyo ng boyfriend mo? Kailangan na nating bumalik. Nagugutom na ako" narinig kong tanong ng kasama ko.

"Tara na" tipid na sabi ko na lang. Nababadtrip kasi talaga ako kay Jarred.

Hindi na rin naman sya nagsalita. Matapos nyang kunin si Zorro ay inalalayan nya na akong sumakay.

Tahimik lang kami pabalik ng bahay nila. Lumilipad ang isip ko sa kung anong ginagawa ni Jarred at Athena ngayon. Ayokong mag-overthink dahil may tiwala ako kay Jarred pero hindi ko maiwasang magselos. May karapatan naman ako diba?






Sa paglipas ng mga araw, tuloy lang kami sa pag-aaway at pag-aasaran ni Zach at si Jarred naman, minsan ko lang makausap. Nakakainis yung gumagawa ako ng effort sa pagpunta sa burol araw-araw  para lang humanap ng signal tapos dalawang minuto ko lang ata sya nakakausap. Ang dami nyang excuses, at hindi na ako natutuwa dun.





"Ingat ka sa byahe, wala akong planong mabyudo agad" nakangising pang-aasar sakin ni Zach bago ako sumakay ng sasakyan.

Pauwi na kasi ako ngayon at sobrang excited ko ng makabalik dahil nalaman kong bumyahe na rin sina Jarred pauwi kahapon. Baka nandun na yun ngayon. Gustong gusto ko na syang makita. Ang dami naming away habang magkalayo, kailangan naming bumawi sa isa't-isa.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon