Chapter 45

146 9 0
                                    

Czarina Eunice's

"Cza, how are you? How's Tito Walter?" Aligagang tanong ni Zach pagpasok niya ng hospital room ni Daddy.

"He's stable now .. but still under observation. Hinihintay na lang namin na magising siya" tugon ko habang inaayos ang kumot ni Daddy.

Okay na siya ngayon. Akala ko ay mawawala na rin siya sa akin pero naging matapang siya at lumaban muli.

Dalawang araw na ang lumipas buhat ng insidenteng yun. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na si Tita ang may pakana ng lahat. Pinag-isipan ko pa ng masama si Daddy.

"Magiging okay din ang lahat" saad ni Zach habang matamang nakatingin sa mga mata ko. Bumuntong hininga ako at pilit siyang nginitian.

"Dumaan ka ba sa bahay? Kamusta dun?" Matapos kasi naming isugod dito sa ospital si Daddy ay hindi pa ulit ako umuuwi. Wala akong balita kung ano na ang nangyari dun.

Dinalhan lang ako ni Manang ng damit nung isang gabi para pamalit. Dinadalhan din ako ni Jarred ng pagkain pag may pagkakataon siya. Hindi niya ako masamahan dahil inaasikaso niya si Sabrina dahil may pasok na ang bata.

"Naglilinis sina Manang nung dumating ako dun and si Sarina hinatid ko muna kina Mommy dahil iyak daw ng iyak simula pa kagabi"

"Thanks Zach" nakakaawa naman yung kapatid ko. Napabayaan na.

"Ahm .. nandito rin ako dahil may update ako tungkol sa wedding natin" kakamot kamot sa ulong sabi nya kaya napakunot ang noo ko.

"I told you walang wedding na mangyayari. Lalo na ngayon. Nakita ko na ang anak ko. Gusto kong --"

"Chill. Wala talagang wedding na mangyayari dahil makakasuhan ka pag pinakasalan mo ako" tatawa-tawang sabi niya kaya lalo akong naguluhan.

"What do you mean?"

"Well, pinapaayos kasi ni Mommy yung mga papers natin and suddenly we found out that you're already married for less than ten years"

"W-what?" Doon niya sa akin inabot ang isang papeles.

Ang marriage certificate namin ni Jarred nung kinasal kami sa isang bayan sa Laguna.

"Ang alam ko hindi naiparehistro ito" nanlalaki ang mga mata ko habang paulit-ulit na binabasa ang mga nakasulat dun. Pero malinaw na malinaw talaga na kasal ako kay Jarred. May mga karampatang pirma yun.

"Ang alam ko inasikaso ito ni Daddy" dahil sinabi ko sa kanya noon ang ginawa ni Jarred bago niya ako ipadala sa Davao.

"I-iniisip mo ba talagang hahayaan kong takbuhan ka lang ng lalaking yun matapos ng nangyari sa inyo?" Napatingin ako kay Daddy nung narinig ko ang nanghihinang boses niya.

Dali-daling lumapit ako sa kanya para kamustahin siya.

"Dad! How are you feeling? Tatawag lang po ako ng doktor"

"Stay here, Czarina" gamit ang nanginginig na kamay ay hinawakan niya ang braso ko para panatilihin ako sa tabi nya.

Sinenyasan ko na lang si Zach na siya na lang ang tumawag ng doktor kaya lumabas na rin ito ng kwarto.

"Dad? Can you explain this to me? Ang sabi mo sa akin noon naayos mo na ito" ipinakita ko sa kanya ang marriage certificate na ibinigay sa akin ni Zach kanina..

"Yeah. Sinabi ko kay Mayor Manalo na ituloy ang pagproseso nyan" parang wala lang na sabi niya habang ako ay nag-iisip na kung yayakapin ko ba siya para pasalamatan o titirisin dahil nakakainis siya.

"Pero bakit? Di ba ayaw mo kay Jarred?"

"For the record, hindi ko ayaw sa kanya. In fact, gusto ko ang tapang at determinasyon ng batang yun. Alam mo bang pumunta siya sa bahay nung araw na umalis ka papuntang Davao tapos nabaril .. no, binaril ko siya" nakangising sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon