Chapter 4

136 10 1
                                    

Czarina Eunice's

"Calm down, Kuya Amiel. Mommy's here"

"No!!! Ahh!"

Agad akong napatakbo pababa ng hagdan nung narinig ko ang komusyon sa baba. Sigaw ng sigaw si Kuya at binabalibag pa nya kung ano ang mahawakan nya. Pilit syang hinahawakan ni Kuya Mon habang si Mommy ay umiiyak na sa gilid.

"Mom? Ano pong nangyari?"

"Eunice, umakyat ka muna sa taas. Baka masaktan ka pa dito"

"Ano po bang nangyari, Mom? Okay naman si Kuya ah. Nakalimutan po na nyang uminom ng gamot?"

"Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari, anak. Basta ang alam ko kausap lang sya ng Daddy mo kanina" sabay kaming napaigtad ni Mommy nung nakarinig kami ng mas malakas na kalabog.

Nakita naming yakap na ni Kuya Mon si Kuya Amiel mula sa likod matapos nyang ibato ang malaking vase ni Mommy. Sakto namang dumating ang nurse ni Kuya at tinurukan sya ng pampatulog. Agad naman syang dinala ni Kuya Mon sa kwarto.

Matagal na mula nung nagkaroon ng violent behavior si Kuya kaya nakakapagtakang sinumpong sya ngayon. Niyakap ko na lang si Mommy na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Mom, di kaya inaway na naman ni Daddy si Kuya?" Agad syang napabaling sakin at hinaplos ang mukha ko.

"Don't say that. Mahal ng Daddy mo si Kuya. Kayong dalawa" kahit lagi yung sinasabi ni Mommy sakin ay parang napakahirap pa ring paniwalaan. Ayaw ko man o hindi ko sinasadya, unti-unting nabubuo ang galit ko sa tatay ko.

Kinabukasan, maaga akong nagready para pumasok sa school. Mr and Ms United Nations kasi ngayon at wala kaming klase kaya nakacivilian lang ako. Si Jarred at Tyra ang mga representatives ng klase namin at Mr. and Ms. France sila.

Gaya ng nakagawian, bago umalis ng bahay ay dinaanan ko muna si Kuya sa kwarto nya. Tulog na tulog pa si Kuya kaya hindi ko na sya inistorbo at hinalikan ko na lang yung noo nya.

Pagdating ng classroom ay naroon na si Tyra kasama ng mommy nya habang si Jarred ay wala pa. Asan ba yung lalaking yun? Sabi nya kasi kagabi ay wala syang kasama ngayon dahil ofw pala ang parents nya. Seaman ang Daddy nya at nurse naman sa California ang mommy nya. Sila lang daw magkakapatid ang nasa bahay kasama yung yaya nung kambal at paminsan-minsan ay dinadalaw lang sila ng mga Tita nila.

"Asan na si Jarred? Pag nag ring na ang bell kailangan na nating pumunta sa gym. Late na sya e" tanong sakin ni Cala. Nagkibit balikat lang ako at kinuha ang phone ko. Baka wala syang mapag-iwanan sa kambal dahil sabi nya ay umuwi saglit yung yaya sa probinsya dahil may namatay atang kamag-anak.

Tinry ko syang tawagan pero nung ikatlong call lang sya sumagot.

"Hello?" Kalmado lang ang boses nya.

"Asan ka na?" Narinig ko naman ang pagtawa nya kaya umirap ako kahit hindi nya nakikita.

"Miss mo na ko?"

"Asa. Magsstart na yung program" hindi na sya sumagot kaya napakunot ang noo ko at chineck ang phone.  In call pa rin naman. Anong nangyari dito?

"Hel--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok na sya ng classroom. Muntik pa akong matawa sa hitsura nya dahil mayroon syang malaking backpack tapos nakasampay sa balikat nya yung costume nya then hawak nya sa magkabilang kamay yung kambal nyang mga kapatid. Mukha syang batang ama.

"Hala, ang kucute!" Tili ni Cala at nagmamadaling lumapit sa mga bata. Nahihiyang nagtago naman ang mga ito sa likod ng Kuya nila.

"Jarred! Pahiram muna. Ako ang mag-aalaga habang nasa stage ka" Sabi pa ni Cala kaya natawa si Jarred.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon