Chapter 15

107 7 3
                                    

Czarina Eunice's

"Hindi mo ba papansinin si Jarred? Kanina pa yan parang aso na sunod nang sunod sayo ah" takang tanong sakin ni Cala habang nakatingin kay Jarred na nakaupo sa table di kalayuan sa amin.

"Yaan mo sya" nakangusong sabi ko at binalik na ang atensyon sa binabasa kong libro. Actually, hindi ko na naiintindihan ang binabasa ko dahil naiilang na din ako sa mga tingin ni Jarred.

"Nag-away ba kayo?"

"Lagi naman" 

"Kung kailan kayo nagka-edad?" Inis na tanong nya.

"O bakit, pag si Nicholas ang nakalimot ng anniversary nyo, hindi ka magagalit?"

"Iintindihin ko syempre. Magtatanong muna ako, hindi basta magagalit. Ipagpapalit ko ba yung isang araw lang sa mga taon na dumaang masaya kami?" Inirapan ko lang sya.

"Hindi ako kasing bait mo"

"Edi makipaghiwalay ka na. Lunukin mo yung pride mo, sana mabusog ka" balahurang sabi nya. Binatukan ko nga.

"Ako ang bestfriend mo! Sa akin ka kumampi"

"Wala akong kinakampihan. Ang akin lang, kung kailan kayo tumanda, saka pa kayo nagkaganyan" natawa ako sa sinabi nya.

"So mature kana sa lagay na yan?"

"Maagang nagmamature si Nico. Kailangan kong sabayan, kailangan kong intindihin"

"O di ikaw na. Ikaw ang huwarag jowa!"

"Gaga! Mag-usap kayo ni Jarred! Sasapakin na talaga kita" ngumuso lang ako at humalukipkip.

"Ah basta! Hindi ako marupok"

"Aish! Ewan ko sa inyong dalawa. Bahala kayo sa buhay nyo" at tuluyang nagwalk-out ang inis na inis na bestfriend ko. Napabuntong hininga na lang ako. Palibhasa kasi, ang bait bait ng jowa nya kaya wala silang problema.

"Babe, kausapin mo na naman ako oh. Please?" Pagkaalis nga ni Cala ay tuluyan nang umupo sa tabi ko si Jarred. Inirapan ko lang sya at binalewala ang presensya nya.

Hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sakin na wari mo'y kinawawang tuta.

"Busy ako, Jarred" tumayo na ako at niligpit ang gamit ko. Pinalis ko pa ang kamay na humawak sa braso ko.

Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya. Bumabalik pa rin kasi sa ala-ala ko yung mga pagkakataong nakikita kong may nakakasama at nakakatawanan syang mga babae.

-

"Himala ata, wala kang buntot ngayon" takang sabi ni Cala habang nililibot ang paningin sa paligid.

Sa totoo lang, kanina ko pa rin hinahanap si Jarred. Ang alam ko tapos na ang klase nila ngayon, dapat nandito na yun at nangungulit.

"Di kaya nagsawa na yun? Ilang linggo mo ring pinahirapan e" tuloy pa ni Cala kaya napatingin ako sa kanya. Posible ba?

"Nagkausap ba kayo kahapon?" Tanong pa nya. Umiling lang ako.

Natapos ang araw at hindi ko man lang nakita si Jarred.

-

"Hoy babae, diba birthday ni Jarred ngayon?" Tanong sakin ni Cala habang kumakain kami dito sa cafeteria.

Napabuntong hininga na lang ako. Kagabi ko pa din iniisip yun e. Isang linggo ko na syang hindi nakikita. Miss ko na sya pero alangang ako yung manuyo, siya naman yung may kasalanan.

Kanina, nakasalubong ko si Athena papunta sa building nila pero yumuko lang siya at umiba ng daan. Parang takot na takot lagi sakin yung babaeng yun. Di ko naman inaano. Tatanungin ko lang sana sa kanya kanina kung kamusta na ang tukmol kong jowa e.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon