Czarina Eunice's
"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay na tanong ko kay Jarred nung nakita ko sya sa labas ng classroom namin.
"Sabay na tayong umuwi?" Sabi nya pagkatapos ay kinuha ang mga books na dala ko.
"Bessy, una na akong umuwi ha. Nandyan na yung sundo ko" paalam sakin ni Cala kaya binalingan ko muna sya.
"Ingat ka bessy. Love you" bumeso pa kami sa isa't isa.
"Love you too" kumaway lang sya kay Jarred at tumalikod na para umalis.
Nakahalukipkip na bumaling ulit ako kay Jarred.
"Paano tayo magsasabay? Magkaiba yung way natin?"
"May problema ba? Bakit nagmamaldita ka ata? Lagi naman tayong sabay hanggang gate ah" Kunot noong sabi nya. Inirapan ko lang sya at nauna nang maglakad.
Naiinis kasi ako sa kanya. Nakita ko kasi sya kanina sa canteen. Sabay silang naglunch ni Andrea. Yung transferee na pinapayungan nya last week. Hindi lang naman silang dalawa ang magkasama pero sila ang magkatabi.
"Eunice!" Tawag nya pero hindi ko sya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Balakadyan!
"Babe!" Nanlaki ang mga mata ko nung isigaw nya yun ng pagkalakas lakas. Halos lahat ng mga estudyanteng nasa paligid ay nakatingin sakin. Buti na lang at wala atang teacher na nakarinig.
Inis na nilingon ko sya at pinanlakihan ng mata. Tatawa-tawang lumapit sya sakin at umakbay. Agad ko naman syang siniko pero hindi man lang sya natinag.
"Ano ba?!" Pabulong na asik ko pero ngumisi lang sya at pinisil pa ang ilong ko.
"Meron ka ngayon?" Nag-init ang pisngi ko sa tanong nya kaya kinurot ko sya sa tagiliran. Napaigik naman sya.
"Bastos ka!"
"What? Umiinit lang naman ang ulo mo pag may menstruation ka e" tatawa-tawang sabi nya.
"Pero alam ko tuwing 7th of the month yun, 23 pa lang ngayon ah" dagdag pa nya at tumingala pa sa langit na wari mo'y nag-iisip.
Alam nya kung kailan ako nagkakaperiod dahil one time ay napabili ko sya ng napkin dahil inabutan ako sa school. Akala ko nga magagalit sya dahil nakakahiya yun para sa lalaki pero parang wala syang pakialam. Well, namimili nga sya ng mga headband para sa kapatid nya, kaya sanay na rin siguro sya sa mga babae.
"Wag mo ngang pakialaman yung menstruation ko!" Pinanlakihan ko pa sya ng mata.
"E bat ka nga po nagagalit? Anong kasalanan ko?" Mas malumanay na tanong nya. Parang natatakot na mas magalit ako.
"Wala"
"Babe, ano nga yun?" Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Ang lambing kasi ng boses nya, nadadala na naman ako.
"Wala nga. Wag mo akong intindihin"
"Hindi naman pwede yun. Hindi ako mapapalagay" natawa naman ako sa sinabi nya kaya pabirong sinabunutan ko sya.
"Wag kang OA" at wag mo ring galingan sa pagpa-fall, leche ka!
"Sure?" Tumango lang ako. Sabay na kaming naglakad habang nakaakbay pa rin sya sakin. Pinabayaan ko na lang sya dahil sanay na naman ako sa kanya.
"AJ!" Sabay kaming napalingon nung may tumawag sa kanya. Agad namang napasimangot ako nung makitang tumatakbo palapit samin si Andrea.
"Oh, Andeng? Anong atin?" Kunot noong tanong ni Jarred. Pinalis ko lang ang braso nyang nasa balikat ko at humalukipkip. Hindi man lang sya umangal at ngumiti pa kay Andrea nung nakalapit na samin yung babae.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...