Czarina Eunice's
"Where do you think you're going?" Napatigil ako sa paglabas ng gate nung biglang nagsalita si Daddy mula sa likuran. Huminga muna ako ng malalim bago walang emosyong hinarap siya.
"Hindi ako tatakas kung yan ang inaalala mo. Hindi ko iri-risk ang kaligtasan ni Kuya Amiel dahil alam ko kung anong klaseng tao ka"
Napailing siya at dahan-dahang lumapit sakin. Nilagay nya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya bago matamang tinitigan ako.
"I'm just asking you. Wala ka nang pasok sa school kaya wala nang dahilan para mag-aksaya ka ng oras sa labas"
Hindi ko na napigilang mapairap at pagak na natawa.
"Dinidiktahan mo na nga ang buhay ko, ikukulong mo pa ako sa pamamahay na to?"
"Czarina, walang ibang magmamana ng kompanya ko kundi ikaw lang. Bakit hindi mo umpisahang pag-aralan ang mga pasikot-sikot doon?"
"Wala akong pakialam sa kompanya mo. Mas gusto kong magtrabaho sa maliit na kompanya, at least dun hindi nila ako mahahawakan sa leeg"
May emosyong dumaan sa mga mata nya at may sumilay ring naglalarong ngiti sa labi nya. Bagay na nakikita ko lang pag may kausap siyang kasosyo nya sa negosyo.
Bakit parang masaya pa siya samantalang obvious naman na binabastos ko na siya.
Ano ba talagang tumatakbo sa isip nya?
"Let us have a deal" natigilan ako sa sinabi nya. Matamang sinalubong ko ang tingin nya. Bakas ang amusement sa mga mata nya na nagbigay kilabot sakin.
"Anong deal?"
"Work in our company" kibit balikat nyang sabi kaya napakunot ang noo ko.
"What's the catch?"
"May ilang taon pa bago mag 21 si Zach. Pag tagumpay na napalago mo ang negosyo natin sa loob ng mga taong yun, hindi natin itutuloy ang kasal"
"That's easy" naibulalas ko na lang. Ngumisi siya sa nasabi ko.
"Yes especially pag wala sa landas mo ang boyfriend mo" doon nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit? Hindi naman siya makakasira sa pagpapatakbo ko ng kompanya ah"
"I just simply don't like him for you. Czarina, you are my one and only heiress and you deserve nothing but the best"
"Pero Dad, Mahal ko si Jarred"
"You're only saying that because you used to be with him for the longest time. Trust me, magbabago pa yang nararamdaman mo. Marami ka pang makikilala"
"What if hindi ako pumayag sa gusto mo?" He just confidently grinned and pat the top of my head.
"Trust me honey, you will. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin" sinalubong ko ang tingin nya at pinag-aralan ang iniisip nya pero hindi ko talaga siya mabasa.
Maaaring kamukha ako ni Mommy pero ang mga mata ko ay nakuha ko sa aking ama at alam kong pareho ang ekspresyong sumasalamin sa aming dalawa. Determinasyon.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...