Chapter 10

125 8 4
                                    

Czarina Eunice's

"Dad? What are you doing here?" Kunot noong tanong ko kay Daddy matapos ko syang makitang lumabas sa kwarto ni Mommy. Namulsa lang sya at saka seryosong tumingin sakin.

"Bawal na ba akong umuwi sa sarili kong pamamahay?" Sa halip na sumagot ay sinalubong ko lang ang tingin nya pero hindi sya natinag. Pagkuwa'y ngumisi sya na parang natutuwa sa inasta ko.

"How's your study, young lady?"

"Kung umuuwi ka po nang mas madalas dito sa bahay ay alam nyo sana kung anong status na ng pag-aaral ko" bumuntong hininga sya at inayos ang salamin nya sa mata. Lumapit sya sakin at bahagyang ginulo ang buhok ko kaya napaatras ako..

"You should know how to respect your father, Eunice" pagak na natawa lang ako.

"Oh! Trust me Dad, ginagawa ko ang lahat para maipakita pa rin sa inyo ang 'respetong' hinahanap nyo kahit na hindi nyo naman deserve ang bagay na yun" sumeryoso ang mukha nya at umayos ng tayo.

"Hindi ko akalaing lalaki ka ng bastos at walang modo. Ganyan ba ang natututunan mo sa lalaking yun?" Natigilan ako sa tanong nya. So iniisip nyang bad influence pa sakin si Jarred?

"Wala syang kinalaman dito"

"Ngayon lang nangyaring sinagot sagot mo ako ng walang pakundangan"

"Dahil nakakapuno ka na! Pwede ba Dad, kung concern ka pa rin samin wag ka nang bumalik dito kahit na kailan! Hindi ka namin kailangan!" Sigaw ko kaya si Mommy ay napalabas na rin ng kwarto at yumakap sakin.

"Sige na sweetheart, ako na ang bahala dito" narinig kong sabi ni Mommy kaya gulat na napatingin ako sa kanya.

"Okay na kayo?" Di makapaniwalang anas ko sa kanya pero pinanlakihan lang nya ako ng mata.

"Pagsabihan mo yan, Eula. Habang lumalaki, tinutubuan ng sungay" masungit na sabi ni Daddy bago tuluyang umalis.

"Mom? Ano yun?!" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Hayaan mo na ang Daddy mo. Ang mahalaga, sinusustentuhan ka pa rin nya" hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Naiinis na tinalikuran ko sya at tumakbo na ako pabalik sa kwarto ko. Sumubsob ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Naririnig ko ang tawag at katok ni Mommy sa labas ng kwarto ko pero hindi ko sya pinagbubuksan. Tinakip ko pa ang unan sa tenga ko para hindi ko sya marinig.

Bakit nagpapakatanga pa rin si Mommy sa walang kwentang taong yun?

--

Isang linggo ko na atang hindi kinikibo si Mommy.. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Ilang beses ko pang nakitang pumupunta dito si Daddy pero hindi ko sya pinapansin. Mas napapadalas pa nga ang pagdalaw nya ngayon kesa noon kaya nakakapagtaka.

"Baby, anong plano mo sa birthday mo?" Nakangiting tanong nya sakin habang narito kami sa hapag-kainan.

Sa halip na sagutin ko sya ay tumayo na ako at binitbit ang gamit ko. Nagmamadaling lumabas ako ng bahay at naghintay ng tricycle na masasakyan palabas ng village.

Paglabas ng village namin ay naroon na si Jarred at nakikipagtawanan kay Kuya Guard. Simula kasi nang nagsimula akong magcommute ay dito na nya ako sinusundo. Medyo hassle pa nga sa part nya dahil malayo pa yung kanila dito pero mapilit sya kaya pinabayaan ko na lang.

"Bakit nakasimangot na naman ang girlfriend kong maganda?" Nakangiting sabi nya at inakbayan ako. Inirapan ko lang sya at humalukipkip habang naghihintay kami ng jeep.

"As usual, nakakainis na naman sa bahay" nakangusong sabi ko.

"Di pa rin kayo bati ni Tita?" Tumango lang ako sa kanya. Pinisil naman nya ang pisngi ko kaya napangiwi ako.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon