Axel Jarred's
Part 2
"Makakasayaw ka ba sa acquaintance party? Medyo namamaga pa yang paa mo ah" tanong sa akin ni Tanya, tulad kong myembro din ng dance crew ng IT Department.
Naaksidente kasi ako sa practice noong isang araw kaya magang maga pa ang paa ko.
"Di na muna. Alam na rin naman ni Sir Mak"
"Ah okay. Sige na una na ako, andito na jowa ko e. Byee!" Paalam nya sa akin kaya tumango na lang ako.
Naiwan akong mag-isa sa bench na katapat ng building nina Eunice. Dito ako laging tumatambay para makasilay man lang. Daig ko pang stalker kung magmatyag at magbantay. Halos isang buwan na rin kaming hindi nag-uusap. Miss na miss ko na yung baby ko.
"Pre, bakit absent si Athena?" Biglang sumulpot naman si Miguel sa tabi ko kaya nawala ang kapayapan. Ang ligalig kasi ng kaibigan kong ito.
"Nilalagnat. Dalawin mo sa bahay" sabi ko na lang. Tuwang-tuwa naman ang loko.
Kahit naman kagaya kong sutil si Miguel ay panatag akong hindi nya sasaktan si Athena. Alam kong mamahalin nya ang kapatid ko ng buong buo at deserve nila ang isa't-isa.
"Nga pala, aattend ka ba ng acquaintance party?" Muling tanong nya.
"Malamang. Magbabantay ako" mahirap nang maagawan.
"Naks! Gwardya sibil!" Pang-aasar nya kaya binatukan ko siya.
"Joke lang naman e. Don't worry, tutulungan kitang walang makalapit sa iyong sinisinta. Basta tulungan mo ako sa bebe ko ah" Tumango na lang ako.
Hindi ko na siya pinansin nang matanaw ko na ang hinihintay ko. Nakangiti siya pero yung mata nya, may bahid pa ring lungkot. May gumuhit na sakit sa dibdib ko. Alam ko kasing kasalanan ko kung bakit ganun.
-
"Pare, lapitan mo na!" Pang-uudyok sa akin ni Miguel na lapitan si Eunice. Kasama nya si Cala ngayon sa table.
Ang ganda-ganda nya kaya lalo akong nahihiya.
"Ayan, tingnan mo! Lalapit yung lalaki, bahala ka talaga!" Pang-aasar pa ni Miguel kaya tumayo na ako sa pwesto ko at umupo sa medyo likuran lang ni Eunice. Sa tuwing may lumalapit sa kanya ay sinasamaan ko ng tingin.
Swerte naman nila kung maisasayaw nila ang girlfriend ko.
Sinamaan ko ng tingin si Miguel nang tumabi siya kay Eunice. Nginisihan lang nya ako at pasimpleng kinindatan. Ilang sandali pa ay isinayaw na nya si Eunice. Humanda talaga sa akin tong gagong to! Ipapabugbog ko to kay Hans.
"Hoy Jarred! Bat di ka na namamansin? Para kang others ah" napalingon ako nang tawagin ako ni Cala. Bumuntong hininga ako at tumabi ng upo sa kanya.
"Kamusta, insan?" Nakangiting bati ko sa kanya. Pabirong inirapan naman nya ako.
"Tara, sasayaw kita" hila ko sa kanya bago pa siya makapagprotesta. Kailangan ko rin palang bantayan to. Patay ako sa pinsan ko pag may lumapit ditong iba. Masyado kasing maganda. Pero para sa akin, mas maganda pa rin ang babe ko!
"Isusumbong kita kay Nico. Ayaw ko ngang sumayaw e" sisi nya sa akin habang sumasayaw na kami.
"Mas matutuwa yung ako ang kasayaw mo kesa ibang lalaki. Baka maging kriminal pa ang pinsan ko ng wala sa oras. Nililigtas ko lang siya sa kaso ng murder" biro ko sa kanya kaya nagtawanan kami.
"Sira. Di naman seloso si Nico" tatawa-tawang sabi nya kaya napangiwi ako.
"Kung alam mo lang" mas malala kaya sa akin ang gagong yun.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
Aktuelle Literatur'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...