Czarina Eunice's
Agad kong tinakip sa mukha ko ang unan nung nakarinig ako ng sunod sunod na katok sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Argh!" Inis na inis na tumayo ako at padabog na binuksan yun.
"Ano ba?!" Sigaw ko pero agad na naumid ang dila ko nung nakita ko si Zach sa labas at nakahalukipkip na nakatingin sakin. Saka ko lang napagtantong wala nga pala ako sa bahay.
"Pinapatawag ka na ni Nanay Helen" maikling sabi nya kaya napaismid ako.
"Madaling araw pa lang ah! Ni hindi pa nga sumisikat ang araw" yamot na sagot ko at mas lalo pang ginulo ang buhok. Wala akong pakialam kung magmukha akong bruha sa paningin nya dahil naiirita ako.
"Wala ka sa inyo, Mahal na prinsesa. Tanghali na dito ang alas singko ng umaga" nakapamulsang sabi nya at tinalikuran na ako. Inis na inis na nagpapadyak naman ako at padabog na sinara ang pinto.
Kakatulog ko pa lang kasi saka pagod pa ako sa byahe kahapon. Hindi ba pwedeng humilata na lang ako maghapon?
Pabagsak na humiga ulit ako sa kama at nagtalukbong, pinipilit ang sariling matulog muli. Ngunit pagpikit ko ng mga mata ko ay parang echo na umulit ulit saking isip at tainga ang pakikipagtawanan ng boyfriend ko sa ibang babae.
Naiinis na inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sakin at tumitig sa kisame. Hinipan ko ang sabog sabog na buhok sa mukha ko at ngumuso. Miss ko na agad si Jarred pero naiinis pa rin ako sa kanya.
Inabot ko ang phone ko pero gaya kahapon ay wala na namang signal yun. Bakit nga ba ako ulit pumayag na magstay dito?!
Napipilitang tumayo ako at naligo para makapag-ayos na ng sarili. Magpapasama na lang ulit ako kay Zach sa burol mamaya. Kahit naman gusto kong pasabugan ng granada si Jarred, gusto ko pa rin syang makausap at masigurong okay lang sya.
Paglabas ko ng kwarto ay nakangiting bumabati ako sa mga kasambahay na nakakasalubong ko. Parang ang gaan ng awra sa bahay na to, lahat kasi ay nakangiti at approachable -- well, maliban na lang kay Zach.
"Nay Helen, magandang umaga po" nakangiting bati ko sa ginang na naabutan kong nag-aayos ng hapag-kainan.
"Magandang umaga, Hija. Halika na at mag-agahan ka na"
"Salamat po. Ahm, Nay si Zach po?"
Pag-upo ko ay agad namang nilagyan nya ng fried rice ang plato ko. Ang bait naman ni Nanay Helen. Napakamaalaga.
"Naku, kumain na yun kanina pa. Baka nasa kwarda na yun o di kaya ay nasa manggahan. Anihan kasi ngayon, baka tumutulong sya dun" nagulat naman ako sa sinabi nya. Hindi halata sa mukha ni Zach na tutulong sa mga gawain dito.
"May kabaitang taglay din pa pala yung taong yun?" Bulong ko pero wari ko'y narinig ni Nanay Helen dahil natawa sya.
"Mabait naman yun. Sadyang hindi lang sya palasalita lalo na pag hindi nya masyadong kilala" tumango tango na lang ako at nagsimula nang kumain. Masasarap ang mga pagkaing hinain ni Nanay kaya medyo naparami ang kain ko.
"Nay, may nga kapatid po ba si Zach?"
"Ah oo. Si Vrielle, nine years old lang sya. Kasama sya nina Senyora Bea paluwas sa inyo. Hindi mo ba nakita doon?" Ngumuso lang ako at umiling.
"Hindi po e"
"Naku kung anong kinatahimik ni Zach, syang kinalikot naman ni Vrielle" natatawang sabi nya.
"Ano pong kurso ang kinukuha ni Zach?" Wala pa kasi akong naiisip na kunin. Baka makigaya na lang ako sa kanya.
"Ha? Naku high school pa lang yun" tatawa-tawang sabi nya.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...
