Prologue

682 16 3
                                    

Czarina Eunice's

"Miss Velasco, your dad wants to talk to you" nagmulat ako ng mata at pagak na natawa nung narinig ko ang sinabi ni Farah, sekretarya ko.

Wala talagang patawad ang taong yun.

Sobrang sakit ng ulo ko dahil pagkarating ko mula sa airport ay dito na ako sa opisina dumeretso. Dalawang taon din kasi nya akong itinapon sa New York para asikasuhin ang iba pa nyang mga negosyo doon at hindi ata siya aware na tao ako at marunong din akong mapagod.

"Tell him that i'll be there in five. Thank you" tipid kong nginitian si Farah. Tumango naman sya at lumabas na.

Bumuntong hininga ako at nagsimula nang mag-ayos ng sarili. Sarili kong ama ang haharapin ko pero daig ko pang haharap sa mga husgado.

Nakita ko sa salamin ang repleksyon ko at napanguso nalang. Daig ko pa ang panda dahil busog na busog ang eye bags ko. Wala pa akong matinong tulog at wala pa rin akong pahinga. Robot ata ang tingin sakin ni Daddy.

Agad akong lumabas at tinungo ang opisina ng big boss. I-aassume ko na lang na namiss nya ako kaya gusto nya akong makita.

"Good morning, Sir" pormal na bati ko pagpasok ng opisina. Sinenyasan nya akong umupo sa visitor's chair kaharap nya kaya sumunod naman ako.

"How are you, Eunice?" Seryoso ang mukha nya. Pinigilan ko ang sariling mapairap. Para syang interviewer kung magtanong tapos ako ay isang aplikante.

"I'm good" tumango tango naman sya. Mula bata ako ay wala akong natatandaang magandang memories namin ni Daddy. Ni hindi nga nya ako isinayaw nung 18th birthday ko. Inutusan pa nya yung driver namin para humalili sa kanya nung tinawag sya ng emcee.

"You may go home now. Magpahinga ka and tomorrow, mamamanhikan na ang mga Buenaventura sa bahay" Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. Akala ko noong ipinatapon nya ako sa New York ay nakalusot na ako sa pesteng kasal na yun dahil hindi na nya inulit pa ang bagay na yun pag nakakausap ko sya through phone.

"Dad ayoko pong magpakasal" matigas na sabi ko. Hindi ako pwedeng magpakasal dahil may kailangan pa akong hanapin.

"You're going to marry Zach Buenaventura and that's final. Now, get out of my office". Wala na akong nagawa kundi ang padabog na tumayo at umalis sa lugar na yun.

Kailan ba ako mananalo sa kanya? Kailan ba nya ako pakikinggan?

Kinuha ko lang ang bag ko at tuluyan nang umalis sa kompanya ng tatay ko. Alam kong hindi napipili kung sino ang magiging magulang pero hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaibigan kong mayroong mababait na magulang. Yung parents ni Cala, yung best friend ko napakababait. Bakit yung sakin, ganun? Bakit ang unfair?

Sumakay ako ng sasakyan ko at nagtungo sa flower shop ni Cala. Miss na miss ko na yung babaeng yun pati yung inaanak ko.

Makalipas ng kulang-kulang trenta minutos ay narating ko ang lugar na pakay. Binati ako ng mga staff ni Cala dahil madalas din ako dito noon para manggulo at mangaral sa marupok na bestfriend ko.

Nakakaproud dahil napalakihan na nya ang lugar. Mukhang dumami na rin ang mga clients nila dahil sobrang busy ng mga tao at mukhang mainit na rin ang ulo ni Madonna.

Dumeretso at sa second floor kung saan naroon ang art studio slash office nya. Pabalibag na binuksan ko ang pinto gaya ng laging ginagawa ko noon. Laking gulat ko nalang nung bumulaga sakin ang pangalawa sa mga taong gusto kong ipashoot to kill.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nakapamewang na tanong ko sa kay Nico na kalong pa ang napakapogi kong inaanak.

"Eunice! Namiss kita!" Tili naman ni Cala nung nakita ako. Agad syang tumayo sa swivel chair nya at patakbong lumapit sakin para yumakap. Parang mas blooming ang babaeng to ngayon.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon