Chapter 37

108 8 1
                                    

Czarina Eunice's

"Please tell me you're kidding" naibulalas ko pagkatapos ng sinabi ni Kuya Mon. Hindi ako naniniwalang makakayang gawin ni Mommy yun.

Saksi ako kung gaano kamahal ni Mommy si Daddy. Kung paano siya naghahabol at nagpapakatanga para lang manatili si Daddy sa tabi nya.

Huminga ng malalim si Kuya Mon at matamang tumingin sa mga mata ko.

"Wala ako sa posisyong magsalita dahil hanggat kaya ko, ayoko nang mainvolve sa pamilya nyo. Kung hindi lang dahil sayo, hindi ako papayag na makita pang muli ni Walter si Amiel" kita ko sa mga mata nya ang labis na pag-aalala kay Kuya.

Matagal ring nanungkulan si Kuya Mon sa pamilya namin. Nandun na siya mula ng isilang ako at nagkamalay. Nawala lang siya noong namatay si Mommy at nung mga panahong tinatago sa akin ni Daddy ang Kuya ko.

"Kuya Mon, please po sabihin nyo na sa akin kung ano ba talaga ang nangyari noon. Gulong-gulo na ako sa kung ano ba talaga ang issue ni Daddy, ni Tita Frances at ni Tito Jun sa isa't isa. Tapos ngayon, kayo naman ni Mommy. Lalo lang lumabo sa akin ang lahat. Nadadamay na po ang anak ko dito. Ni hindi ko man lang po siya nakasama" nalaman ko na lang na umiiyak ako nang lumapit sa akin si Kuya at pinahid ang luha ko.

Umakbay siya sa akin kaya humilig ako sa kanya para kumuha ng suporta at lakas. Clueless pa rin ako sa mga nangyayari at gustong gusto ko nang maliwanagan.

Hindi naman ako masamang tao. Wala naman akong ginagawang masama at wala rin akong natatapakang iba pero bakit hindi pa rin ako nagiging masaya?

Naramdaman kong hinawakan ni Kuya Mon ang kamay ko at marahang pinisil yun. Huminga siya ng malalim bago ibinuka ang bibig para pagsalita.

"Hindi ko alam ang ibang detalye pero sasabihin ko sayo kung alin lang ang nalalaman ko" tumango ako sa sinabi nya. Sapat na siguro yun.

"Matalik na magkaibigan sina Frances at Eula noon ngunit nasira ang samahan nila nang umibig si Eula sa kasintahan ni Frances -- ang daddy mo" nanlaki ang mga mata ko. I didn't see that coming. Akala ko ay naging babae lang ni Daddy si Tita Frances.

Tipid lang ngumiti si Kuya Mon bago nagpatuloy.

"Naging kaibigan ko na din si Eula noon dahil lagi siyang dumadalaw sa bahay nina Walter at nagdadala ng kung ano-ano. Hindi natutuwa si Walter sa ginagawa ni Eula dahil nagsisimula na ang pag-aaway nila ni Frances. Nalalapit na kasi ang kasal nila at natatakot siyang hiwalayan siya ni Frances dahil kay Eula."

"Dahil nga kaibigan ko si Eula ay kinausap ko siyang tigilan na ang ginagawa dahil hindi magandang tingnan. Maganda siyang babae pero naghahabol siya sa lalaking may minamahal na iba. Nagalit siya sa akin noon at sinabing wag akong makialam dahil driver lang naman daw ako at katiwala ng pamilya nina Walter" hindi ko ma-imagine na ganun si Mommy noon. Para sa akin, siya ang pinakamabait na taong nakilala ko.

"Natamaan ako sa sinabi nya kaya dumistansya na ako sa kanila. Ayoko nang makigulo sa kanilang tatlo kaya lumayo ako. Nakipagpalit ako sa driver ng lolo mo kaya maging kay Walter ay napahiwalay ako. Hanggang sa isang araw, si Eula mismo ang lumapit sa akin. Humingi siya ng tawad kaya pinatawad ko naman. Naging malapit kami sa isa't isa hanggang sa mahulog ako sa kanya"

"Kinumbinse rin nya akong bumalik na sa pagiging driver ni Walter dahil okay na naman daw ang lahat. Wala na raw siyang nararamdaman sa amo ko kaya pumayag ako. Naging maayos ang samahan naming apat. Ako, si Eula, Walter at Frances. Kami pa nga ang kinuha nilang Maid of honor at best man sa kasal nila dahil magkakaibigan na naman daw kami"

"Akala ko totoo ang nararamdaman sa akin ni Eula pero isang linggo bago ang kasal nina Frances at Walter, nagkayayaan sila na magbakasyon daw kami. Dahil nga sumusunod lang ako sa amo ko, nakasama ako sa kanila. Kami lang apat ang naroon sa resort nina Walter sa Quezon. Nagkainuman kami, nagsaya hanggang sa malasing at may nangyari nga sa amin ni Eula"

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon