Czarina Eunice's
"Mommy?" Marahang kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Mommy pero gaya noon ay hindi rin nya ako pinagbubuksan.
Natatakot ako dahil baka gawin na naman nya ang ginawa nya noon pero nangako naman sya saking hindi na uulit kaya pinanghahawakan ko ang pangakong yun.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito si Mommy. Matagal na namang hindi umuuwi dito si Daddy pero hindi pa rin sya nasasanay.
Bumuntong hininga na lang ako at nilusot yung card ko sa ilalim ng pinto nya. Hoping na matuwa sya sa grades ko at lumabas na ulit sya ng kwarto nya.
Dumeretso ako sa kwarto ni Kuya para naman medyo gumaan ang loob ko. Tuwing umuuwi na lang ako sa bahay na ito, lagi akong nakakaramdam ng kahunghangan. Minsan, ayoko na lang umuwi pero hindi naman pwede yun.
Pagdating ko sa kwarto ni Kuya ay tulog naman sya. Napakunot pa ang noo ko nung makitang nakatali ang isang kamay nya sa may haligi ng kama nya. Dali-daling lumapit ako para kalagan sya. Nag-iinit ang gilid ng mata ko dahil naaawa ako sa kalagayan nya.
"Miss Eunice wag po!" Napatigil ako nung pumasok si Ate Naomi, yung nurse ni Kuya at hinawakan ang kamay ko para pigilan ako.
"Bakit po kailangang itali si Kuya?"
"Utos po ng Daddy nyo. Nagwala po kasi sya kanina nung nakita nya si Sir Walter" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Nagpunta dito si Daddy kanina?"
"Opo. Nakausap po nya ang Mommy nyo. Sakto naman pong lumabas si Sir Amiel tapos biglang nagwala nung nakita sya. Galit na galit ang Daddy nyo. Nasaktan pa nga nya ang Kuya nyo tapos binilin nya na itali daw namin para hindi makapaminsala" pagak akong natawa kahit tumutulo na yung mga luha ko.
"Makapaminsala? Anong palagay nya sa kapatid ko, hayop?" Tinabig ko ang kamay ni Ate Naomi at tinuloy ang pagkakalag ng tali ni Kuya. Iyak lang ako ng iyak habang ginagawa yun. Napansin ko rin yung pasa ni Kuya sa pisngi na mas nakapagpasakit ng dibdib ko.
"Mapapagalitan po kami ng Daddy nyo sa ginagawa nyo, Miss"
"Wala akong pakialam sa kanya. Ako ang harapin nya" Simula't sapol naman, hindi sya naging ama samin kaya ngayon, ubos na ang respeto ko sa kanya.
Wala nang nagawa si Ate Naomi kundi ang pabayaan na lang ako. Ginamot ko ang mga maliliit na gasgas sa palapulsuhan ni Kuya habang patuloy pa rin ang pagluha ko.
Pagkatapos kong linisin ang sugat ni Kuya ay pinunasan ko na rin sya ng pawis. Bahagyang tinagilid ko sya para hindi ako mahirapan. Sumampa na rin ako sa kama nya dahil masyadong malaki si Kuya. Napatigil ako nung may nasalat ang tuhod ko. Kunot noong binuklat ko ang kumot ni Kuya at tumambad sakin ang larawan ng magaling kong ama kasama ng babae nya. Bakit may ganito si Kuya? Saan nya nakuha to? Kaya ba sya nagiging violent lately?
Pinunit ko ang picture na yun at itinapon sa basurahan. Naiinis ako sa tatay ko. Kung gusto nya kaming iwan, edi umalis sya. Wag na wag na nyang guluhin pa kami dahil kaya naman naming mabuhay ng wala sya.
Nung masiguro kong okay na si Kuya ay pumunta na ako sa kwarto ko. Agad kong tinawagan si Jarred para magkwento. Hindi naman ako nabigo dahil gumaan ang pakiramdam ko nung nakausap ko sya. Ewan ko ba, parang may magic sya na kayang alisin lahat ng mga pag-aalinlangan ko.
Kinabukasan, pumasok pa rin ako sa school na parang walang problema. Ayokong makita ng iba na may mali. Ayokong kaawaan nila ako dahil sira ang pamilya namin. Tama nang si Jarred lang ang nahihingahan ko.
"Are you okay?" Malambing na tanong nya nung nabungaran ko sya sa may gate. Matamis na ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Ngumiti lang din sya at inayos ang clip ko bago kami sabay na pumunta ng building namin.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...